Enzo Pineda's Official Facebook Fanpage Fan Box

Enzo Pineda on Facebook

Tuesday, February 23, 2010

[article] Enzo Pineda wants a showdown with Mark Herras, Joross Gamboa

Author: Rowena Joy A. Sanchez

Given the chance, "StarStruck V" finalist Enzo Pineda said he would love to have a showdown with his dance idols Mark Herras and Joross Gamboa.

"Siyempre po big honor na makasama ko sila. Personally I'm a big fan of the two. Of course 'pag makakasama ko sila, mas mapipilitan ako na pantayan sila, na mas [gagalingan] ko pa. At the same time it would be a good experience.

"Sana po [mangyari], kasi po nakita ko 'yong mga performances nila [sa 'SOP Fully Charged'], ang ganda. Kaya minsan nananaginip ako na sana nandun ako, kasi ang sarap sumayaw eh," the 19-year-old martial arts enthusiast told Manila Bulletin Entertainment Online during the "StarStruck V" press conference held recently.

Post-"StarStruck," Pineda also wishes to be known more as an all-around performer.

"I want to be a versatile actor. Not just singing, dancing... Of course sa singing I admit, I have to do better. Kahit sa acting. But the passion is there. The willingness to improve is there," he related.

And in a humble declaration, he added, "I don't think of myself as magaling."

But that doesn't stop the budding star.

"There's always more room for improvement. Gaya ng mga artista ngayon, hindi sila complacent eh. Hindi sila nagre-relax kasi alam nila there are more responsibilities and expectations when you improve," elucidated Enzo, who hopes to follow the footsteps of another "StarStruck: The Next Level" male survivor.

"For me, gusto kong sundan si Aljur [Abrenica]. He's one of the successful 'StarStruck' male survivors. Marami siyang pinagdaanan. Naging Bench model siya. Dream ko ring maging Bench model someday. At the same time magkaron ng love team, sana with [fellow 'StarStruck V' contender] Sarah [Lahbati]."

While he has been vocal about his feelings for Filipino-Swiss Sarah, he maintained that "friends lang kami."

He revealed that he, at least, tried to make Sarah's Valentine's Day a little more special.

"Binigyan ko po siya ng flowers, chocolates, tsaka 'yong favorite niyang pabango. Escada na Sunset. Pinaghirapan ko 'yon sa allowance ko sa 'StarStruck.' Naubusan ako ng pera dahil dun," he said, chuckling.

Sarah seemed to be pleased with the gift.

"Of course nagustuhan niya. Kumatok siya sa room ko, nagpasalamat siya sa gift. Ginamit na niya agad. So ang sarap ng hangin kasi ang bango. Naaamoy ko 'yong pabango na binigay ko sa kanya," he gushed.

For now, though, Enzo is not keen to pursue the 16-year-old Sarah, as he learned that she is not yet ready for a relationship.

On a final note, he reiterated that he has no hard feelings whatsoever for director-actress Gina Alajar, who serves as the acting mentor of the avengers.

It is recalled that Gina was critical of Enzo, citing his lack of painful experiences because of his affluent family background.

"Para sa'kin I'm open to that. I'm expecting it, na may comments sa'kin na darating na ganun. I take it as a challenge. I feel blessed na sinabi niya sa'kin 'yon. I believe she cares about me, si Ms. Gina. And nakikita naman niya 'yong improvement ko. And 'yon 'yong kulang ko eh, 'yong gutom na sinasabi niya. And now na-realize ko na pumasok ako dito sa 'StarStruck' na gutom na ko. Gutom ako to improve.

"Alam ko pong hindi po mawawala na isipin ng tao na si Enzo, 'yong mayaman na bata. Pero sana isipin nila, si Enzo, 'yong performer," said he.

"StarStruck V: The Final Judgment" happens on Feb. 21 at the Araneta Coliseum.



CREDITS TO: http://telebisyon.net/balita/Enzo-Pineda-wants-a-showdown-with-Mark-Herras-Joross-Gamboa/artikulo/96005/

Monday, February 22, 2010

[ARTICLE] StarStruck V First Prince Enzo Pineda answers gender issue by Rose Garcia

StarStruck V First Prince Enzo Pineda answers gender issue" border="0" width="300">

"Nararamdaman ko, sinisigaw ko talaga sa likod ng isip ko na sana ako ang maging Ultimate Survivor. Yung positive thinking kasi, kung na-picture mo naman ang sarili mo, mangyayari talaga. But for me, okay lang. Winner pa rin ako. Second Prince, First Prince... Wow, okey na yun!" says Enzo Pineda.- Noel Orsal


Madalas na nababanggit na isa si Enzo Pineda sa pinakamalakas na contender para sa titulong Ultimate Male Survivor ng StarStruck V. Pero sa ginanap na Final Judgment ng naturang reality-based artista search ng GMA-7 kagabi, February 21, sa Araneta Coliseum ay pumangalawa lamang si Enzo sa nanalong si Steven Silva.

Pero inamin ni Enzo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nang sila na lang ni Steven ang natira pagkatapos tawagin ni Rocco Nacino as Second Prince, ay umasa rin siyang siya ang manalo.

"Of course, nararamdaman ko, sinisigaw ko talaga sa likod ng isip ko na sana ako ang maging Ultimate Survivor. Yung positive thinking kasi, kung na-picture mo naman ang sarili mo, mangyayari talaga. But for me, okay lang. Winner pa rin ako. Second Prince, First Prince... Wow, okey na yun!" nakangiting sabi ni Enzo nang makausap namin siya at ng iba pang press sa press room ng Big Dome pagkatapos ng Final Judgment.

Pero in-expect ba niya na silang dalawa ni Steven ang maiiwan para maglaban sa titulong Ultimate Male Survivor?

"For me, hindi rin po," sagot niya. "Kasi, ang taas po talaga ng text votes ni Steven. So, malakas po si Steven. Kahit sobrang galingan sa talent namin, konti lang din po difference sa judging."

Pagdating sa text votes, si Enzo ang ine-expect na mangunguna sa aspetong ito dahil nakilala siya bilang anak-mayaman. Ano nga ba ang nangyari?

"Para sa akin, hindi. Of course, first, I came here not because of my parents. Pinatunayan ko sa mga tao na hindi ko ginagamit ang ano ng parents ko just for the sake of winning in StarStruck.

"Of course, sa grand finals, I can't help it na magte-text ang parents ko. Kahit po yung dad ko, nakikita ko, masakit na ang kamay niya na nagte-text. Pero yung nagbibigay ng load, hindi po. For me, sariling sikap ko 'to," sabi ni Enzo.

Ano naman ang mensahe niya para kay Steven?

"Steven, bro, ang galing ng performance mo kanina. Nabilib ako. Kahit kami kanina, sumasayaw kami sa likod ng stage. You truly deserve it. From the start of StarStruck, ang lakas ng hatak ng fans mo. Pantay-pantay tayo, lahat tayo winners. So, everything happens for a reason. I know you really need this also, kami ni Rocco, we need this also. Pero ibinigay ni God kay Steven, so, mas kailangan niya po. Pero okay lang, winners po lahat."

SARAH LAHBATI. Ang nali-link kay Enzo na si Sarah Lahbati ang itinanghal na Ultimate Female Survivor. Hindi kaya makaapekto ito sa tambalan nila gayong si Steven ang male counterpart ni Sarah at baka sila ang pagtambalin?

"Hindi po, magiging kami pa rin po!" natatawang sagot ni Enzo, na nagpapaka-positive lang daw.

Sa palagay ba niya ay puwede na niyang ligawan si Sarah ngayong tapos na ang StarStruck V?

"Hindi naman po. Step by step po. Siyempre po, maganda rin naman po na maging best friend muna," sagot ni Enzo.

Ano naman ang message niya kay Sarah?

"I'm very proud of you. Alam ko na malaki ang mararating mo at sana mas maging close pa tayo, super close, very close," sabi niya.

REAL CHALLENGE. Para sa lahat ng contestants ng StarStruck V, nanalo man o natalo, ngayon pa lang talaga magsisimula ang totoong challenge sa pagiging artista nila. Ano ang gagawin ni Enzo para ma-survive ang challenge ng isang pagiging ganap na artista?

"Of course, first, kailangan po talaga acting. Singing po, I'm getting there. Dancing, okay naman po, masaya naman po. I'm not saying na magaling ako dun, but there's so much to improve pa rin. Sa acting naman po, I really missed it. Kahit na sabihing baguhan pa lang ako, yung mga last few days na wala kaming acting, parang nabibitin ako, parang gusto ko pang mag-let out ng mga emotions sa acting. Feeling ko, I really have to go to workshops again.

"Of course, gusto ko rin mag-workout at magpaganda ng katawan. Balak ko rin maging Bench model someday, sana!" natatawa niyang sabi.

Okey na rin daw sa parents niya na mag-aartista na siyang talaga.

[ARTICLE] An article at Abante Online by Jun Nardo

Obvious na disappointed sa panalo ni Steven ang fans nina Enzo Pineda at Rocco Nacino. Dark horse kasing maituturing si Steven, pero ang malaking text votes ang siguradong nagpanalo sa kanya bukod sa boto ng Starstruck Council.


No wonder, hindi pa rin makapaniwala si Steven na siya ang Ultimate Male Survivor na nag-take home ng P1.5 M at GMA contract worth P3.5M, huh!


Sa elimination kasi, namayagpag si Rocco sa talent. Nagpakita pa siya ng katawan sa final number niya, pero se­cond prince lang ang napanalunan niya. Si Enzo naman, first prince ang titulong nakuha.


Pero si Sarah, liyamado talaga kay Diva Montelaba.


“Nu’ng nasa stage kami ni Diva, nag-usap kami na kahit anong mangyari, friends pa rin kami. Nang i-announce na ang winner, hindi namin agad na-gets. Sabi niya, ‘Ikaw! Ikaw!’ Sagot ko, ‘Ako?’ Nang malaman ko, sob­rang thankful ako,” pahayag ni Sarah.


Sa mga finalists, tanging si Sarah lang ang kumanta nang live sa number niya.


“Sinabihan kasi akong mag-live! Minsan din kasi, mas magandang mag-take ng risk! Kailangan din kasing mag-try ng iba at hindi laging ganoon palagi,” paliwanag niya.


Sa palagay niya, nakatulong ‘yung number niya sa panalo niya?


“Siguro po, pero nakatulong din ang text votes ng mga magulang ko. Ako naman, sa Facebook,” sabi niya.


Pero kahit big winner si Sa­rah, hindi pa rin niya kakalimutan ang pangako kay Diva na bibigyan niya ito ng balato.


***


Aware si Enzo Pineda na malakas sa text votes si Steven Silva na malaking factor sa panalo nito bilang Ultimale Male Survivor. Pero may paliwanag ang 2nd Prince sa balitang ginastusan siya ng magulang niya sa text para manalo ng grand title, na hindi naman nangyari.


“I came here because of my parents. Pinatunayan ko sa tao na hindi ko gi­namit ang influence at pera ng parents ko just to win. Of course, they can’t help it na mag-text para sa akin. Na­kikita ko ang tatay ko na nagti-text pa­ra sa akin at su­masakit na ‘yung kamay! Pero hindi siya nagbibigay ng load sa iba para mag-text para sa akin. Sariling sikap ko ang panalo ko!” paliwanag lang ni Enzo.


CREDITS TO: http://abante.com.ph/issue/feb2310/ent_jn.htm

[ARTICLE] An article from Abante Tonite by Jojo Gabinete

SINA Steven Silva at Sarah Lahbati ang Ultimate Male and Female Survivors, respectively ng Starstruck V. First Prince si Enzo Pineda at 1st Princess si Hyacinth Diva Montelaba. Second Prince si Rocco Nacino na sumali na noon sa MYX VJ Hunt bilang Nico Nacino pero hindi pinalad na manalo.


Ang Araneta Coliseum ang venue ng Final Judgment Night, at dahil sa dami ng mga supporter ng Final V, napuno ng audience ang big dome.


Si Rommel Gacho ang nasa likod ng successful at highly-entertaining finale night ng Starstruck V. Mabilis ang pacing ng show, nakakaaliw ang mga production number kaya hindi nainip ang audience, kahit may kahabaan ang mga commercial gap.


Pinakagusto namin ang production number ng siyam na Starstruck Avengers at ng kanilang mga mentor. Brilliant idea ni Rommel na bigyan ng moment ang Starstruck mentors na sina Gina Alajar, Douglas Nie­ras, Abbygale Arenas, Barrbi Chan at Jai Sabas.


Nagmistulang winners din ang Avengers dahil tumatak sa audience ang production number nila.


Kung magiging ka­sing-ganda ng Final Judgment Night ng Starstruck V ang SOP, makakahabol at mapapantayan ng Sunday noontime show ng GMA 7 ang ASAP. Bakit hindi subukan ng GMA 7 na pahawakan kay Rommel ang SOP?


***


Mas matindi ang rivalry sa male finalists ng Starstruck V kumpara sa competition sa pagitan nina Sarah at Diva. Ang malalakas na cheer ng fans nina Enzo, Rocco at Steven ang nagpasigla sa atmosphere sa loob ng Araneta Coliseum.


Dahil si Steven ang Ultimate Male Survivor, huminto na ang mga intriga na si Enzo ang mananalo dahil mayaman ang kanyang pamilya, at anak siya ni Eric Pineda, ang business manager ni Manny Pacquiao.


Hindi man niya nakuha ang title, panalo pa rin si Enzo dahil mayaman pa rin ang kanyang pamilya. Biktima man siya ng paninira, lamang pa rin si Enzo dahil sa mata ng mga tao at staff ng Starstruck, siya ang pinakamabait, humble at may breeding.


Isang staff mem­ber ng show ang nagpakuha ng litrato na kasama si Enzo sa huling gabi ng Starstruck para may souvenir siya. Hindi raw niya makakalimutan ang natural na kabaitan at pagiging down-to-earth ni Enzo na pinagkaisahan ng ibang Starstruck male contestants.


***


Pagkatapos ng show, binigyan ng pagkakataon ang entertainment writers na makausap sa press room ang Final V. Malaki ang nagawa kina Sarah at Steven ng kanilang tagumpay dahil bigla silang nagkaroon ng star aura nang pumasok sa press room.


Nakinig kami sa pakikipag-usap nila sa mga reporter pero hindi kami nag-aksaya ng panahon na magtanong. Kung tatanungin namin ang mga natalo sa kanilang naging pakiramdam at sasagot sila ng “Okey lang po, tanggap namin ang resulta ng contest,” hindi kami matutuwa.


Tiyak na iiiral ang aming pagkamalis­yoso dahil malalim na ang gabi para makipagbolahan.

Makukuntento at bibilib kami sa mga loser kung magpapakatotoo sila at sasagot ng “Nalulungkot po ako dahil uuwi ako na luhaan. Ayoko pong magpakaplastik. Hindi okey! Bakit ko sasabihin na natutuwa ako eh su­mali nga ako sa Starstruck dahil gusto kong manalo at maging instant millionaire?”



CREDITS TO: http://abante.com.ph/issue/feb2310/ent_jg.htm

Jhayr's Privilege Speech

-MY PRIVILEGE SPEECH-

November 15,2009 kasagsagan to ng laban ni Manny Pacquiao at Miguel Cotto. 12NN nung biglang icommercial sa GMA-7 ang pilot episode ng StarStruck V. Eto daw ang biggest season ng StarStruck. Then kinagabihan ayun napanuod ko ang Pilot Episode. Pinakita ang libo libong nag audition. Libo libong nangarap na galing sa iba't ibang sulok ng mundo na magkakalapit lapit ng dahil lamang sa programang ito. Sa Pilot Episode napili ang Top 100 hopefuls. Dito ay una kong napansin ang isang Japinay Beauty na sumayaw ng Nobody sa Japan. At sya ay si Nina Kodaka. Sinabi ko na hindi ko bibitawan ang babaeng to hanggang Final 4. At maya maya ipinakita ang mga lalaking pasok sa Top 100. May isang contender na nakakuha ng atensyon ko. Siya yung laging nakangiti, siya yung cheerful, sya yung may positive outlook sa talent search na ito at sya yung makikita at mararamdaman mo yung determinasyon sa una pa lang, at ito ay si Enrico Lorenzo Pineda. ENZO kung tawagin.

Sa sumunod na episode na napanuod ko ay napili ang Top 30 at nakapasok nga sina Enzo Pineda at Nina Kodaka. Masayang masaya ako na napili sila sa tatlumpung masuswerteng nag auditon para sa StarStruck. Kinabukasan ay nabawasan sila ng dalawa at naging 28 na lamang. Sa unang episode ng StarStruck Shout Out, dito lagi ko ng napapansin si Enzo. Talagang may ibubuga. Hindi sya nagpapahuli. Natatawa lang ako sa isang episode kung saan may make up session sila. Siya yung contender na palatanong. Hindi ko alam kung nagpapansin ba sya, nangungulit o talagang curious lang sa gagawin nya. Dito mas lalo akong nagkainteres sa taong to. Natatawa ako pag nakikita ko sya dahil dun sa pagtatanong nya kay Ms. Barbie. Naalala ko isang beses napapagpalit ko pa ang mukha nila ng isa sa kanyang co-survivor na kapareha nyang may ENRICO sa pangalan. At sya ay si Rocco Nacino. Sa sumunod na episode ng StarStruck, ang gabi bago iannounce ang Final 14, isa isang humarap ang Top 28 sa council. Dito ko mas lalong nakilala si Enzo Pineda. Laking gulat ko ng malaman ko na sya ay anak ng Manager ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Bakas sa mukha nya na gusto nya na gumawa ng sariling pangalan sa industriya ng Show Business, kahit na hindi naging madali sa kanya ang pagpila at paghihintay para matawag ang kanyang pangalan kung sya ba ay pasok o hindi. At kinabukasan, ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang Final 14 Announcement. Isang mahalagang anunsyo na babago sa takbo ng buhay ng nalalabing dalawampu't walong nangangarap na maging artista. May apat ng naunang bahagi ng Final 14. Kampante ako na makakapasok ang dalawa kong paboritong survivors na sina Nina at Enzo. At sa pagkakataong ito, sa 2nd batch ng mga kasama sa Final 14. natawag ang pangalan nina Enzo Pineda at Nina Kodaka. Ang bagay na nagpasaya sa akin at ang dahilan ng pagsuporta ko sa programang StarStruck V.

Matapos ang naturang programa ay dali dali akong nag log-on sa PinoyExchange.com, isang website para sa pakikipagpalitan ng opinyon at pala-palagay ng mga Pilipino, gamit ang aking account. Dito ay gumawa ako ng thread para kay Enzo Pineda. Nung una ay nag aalinlangan pa ako na simulan ang pagtatayo ng fanbase para kay Enzo at thread para sa kanya. Naisip ko na baka walang sumuporta sa akin sa paggawa ko ng thread na ito. Naisip ko na baka walang nakakakilala sa kanya. At naisip ko rin na baka mapag iwanan lang ang thread na ito kung sakaling gagawa ako dahil sa aking busy academic schedule. At eto na nga, buong tapang kong pinagmalaki ang survivor na may pinakaunang thread sa PEx at yun ay si Enzo Pineda. Kinabukasan, marami ng nagpost sa thread. Mga sumusuporta kay Enzo. Mga fans nya. At dito ay naisipan ni Sed ang pangalan ng grupong lubos na sumusuporta kay Enzo Pineda at ito ay tinawag na ENZOpporters. Sabi nung iba parang hindi daw magandang pakinggan. Sabi ko naman sa sarili ko, nasa tao yan kung paano magsisink in sa kanya yung pangalan ng fanbase. Talagang ipinagmamalaki ko sya sa mga kaibigan ko, sa mga kamag-anak at magulang ko. Sabi ko na wala syang ibang katulad. Walang wala! Nasa kanya na ang lahat ng bagay na hinahanap ng isang babae para sa kanyang PERFECT MATCH. At nasa kanya na ang MATINEE IDOL FIGURE na hinahanap ng isang lalaki.

Nang makita ko sa facebook ang kanyang real account, dali dali ko syang in-add. At ilang araw lang ay inaccept na nya ako. Dito ay naisipan ko rin na gumawa ng fanpage para sa kanya. Nagulat ako dahil ilang minuto lang ang nakalipas, mayroon na agad syang 66 fans. At hanggang sa dumami na ito hanggang sa kasalukuyang bilang nito na umabot sa 8000+ na dadami pa sa mga susunod na araw. Ilang araw lang ay naaabutan kong online sa facebook chat si Enzo. Dito ay kinausap ko sya. Nagkamustahan at hanggang sa ipinakilala ko sa kanya ang akong sinimulang fanbase, ang ENZOpporters. Dito inaya ko sya dumalaw minsa sa kanyang thread dahil sa marami syang fans dito. At hindi nga ito nagdalawang isip na gawin ito dahil makalipas ang isang linggo ay may account na agad sya sa PEx. At ang nakakatuwa pa sa aking pagiging isang ENZOpporter ay nagpost sya sa wall ko sa facebook ng "HAOOY BIRTHDAY" nung birthday ko. Nagkamali man sa pagtype ay sobrang napasaya ako ni Enzo dahil alam nyang birthday ko at binati nya pa ako. Kinabukasan, sa isang episode ng StarStruck Shout Out, nabanggit nya ang ENZOpporters. Akala ko nagkamali lang ako ng dinig yun pala ay binanggit nya talaga ang fanbase nya. dECEMBER 10,2009 ng aking inanunsyo sa thread ang pagiging OFFICIAL ng ENZOpporters BILANG FANBASE NI ENZO PINEDA. Sa pagdaan ng mga araw, naging bahagi ng buhay ko ang araw araw na panunuod ng StarStruck Shout Out. Nag iisang bagay na hinding hindi ko malilimutan ay ang pagka-cutiing classes ko makapanuod lang ng StarStruck Shout Out at makita lang sio Enzo Pineda.

Hanggang sa dumami ang ENZOpporters, mapa-facebook man, mapa-PEx o kahit ang mga non-onliner ENZOpporters na laging sumusuporta kay Enzo ay dumami. Sinasabing isa rin si Enzo sa may pinakamalaking fanbase sa StarStruck. Dahil dito ay talaga nafa-flatter ako at naappreciate niya lahat ng mga sakripisyo namin para sa fanbase nya. Kasabay ng pagdami ng ENZOpporters ang pagdami ng sub-fanbase names, Nariyan ang ENZOMNIACS, ENZOMANIA, ENZSARAH, ENZOFORCE, ENZOCO at ENZO UNLIMITED. Silang lahat na todo todo ang suporta na binibigay lagi kay Enzo. Hindi nila hinahayaang mapag iwanan si Enzo. Bagkus ay sumasabay pa ang ENZOpporters sa pagsisikap ni Enzo para sa kanyang pangarap, sumasabay na nagsusumikap para tulungan at suportahan ang nag iisang ENZO PINEDA.

Maraming isyu na kinaharap. Maraming bahsers ang kinalaban ng ENZOpporters, maging si Enzo. At hindi pa nakuntento ang iba ay idinawit ang magandang pangalan at reputasyon ng mga magulang ni Enzo. Hindi kailanman naging kasalanan ang ipanganak kang mayaman. Hindi kailanman binuksan ang isang reality television seach para sa mga kapus palad. Ito ay bukas para sa lahat. Lahat na nagnanais matamo ang lahat ng kanilang pangarap sa buhay. Lahat ng mga balakid na ito ay sama samang hinarap ni Enzo kasama ang kanyang mga taga hanga ng buong tapang at buong lakas. Hindi sya nagpaapekto sa mga masamang bwelta ng iba, kahit na ilan sa mga co-survivor nya na nagsalita laban sa kanya. Nagpakababang loob na lamang si Enzo para mapanatili ang magandang samahan niya sa kapwa nya survivors. Ipinakita nya ang kanyang lubos na pagsusumikap na mapatunay sa lahat na karapat dapat syang makatanggap ng isang nag uumapaw na suporta mula sa lahat ng taong labis na humahanga, sumusuporta, umiidolo at nagmamahal sa kanya. Ang tapang at tatag sa gitna ng mga kontrobersiya na ibinabato sa kanya ay ang mga bagay na dapat na gayahin ng isang kabataan. Isang mabuting ehemplo para sa mga taong nais maliwanagan sa buhay si Enzo Pineda.

Pamilya ng mga mabubuti ang Pineda Family. Itinuring nilang Kapamilya, Kapuso, Kabarkada ang lahat ng ENZOpporters. Sila na laging pinupunterya ng mga bashers. At katulad ni Enzo, hindi sila nagpapaapekto at nananatiling matatag para sa kanilang anak at para sa ENZOpporters. Ang mga magulang ni Enzo Pineda, Tito Eric at Tita Macy, mga nagsilbing mga magulang naming ENZOpporters. Sila ang nagturo sa amin tungkol sa tunay na kulay ng buhay at lahat ng mga mahahalagang bagay na ibinabahagi sa amin ng lahat ng tao na nasa paligid namin. Nakita ko sa kanila ang kanilang pagsusumikap na tulungan ang kanilang anak sa gitna ng pinagdaraanan nitong pagsubok sa larangang pinasok nito. Suportado sila sa pangarap ng kanilang anak. Kaya naman bakas sa pagkato ng isang Enzo Pineda ang isang taong likas na mabuti, may pinag aralan at isang taong napalaki ng tama.

At sa nagdaang Final Judgment, inakala namin sya na ang Ultimate Male Survivor, ngunit mali ang dikta ng aming konsensya dahil taliwas ito sa dikta ng tadhana. Si Enzo Pineda ang bagong First Prince ng StarStruck. Kaya sa tagumpay nyang ito, nais ko syang pasalamatan sa lahat. Enzo, ngayong nag uumpisa na ang iyong tunay na laban, wag kang makakalimot na itapak ang iyong mga paa sa lupa. Huwag na huwag kang mawawalan ng pag asa at huwag na huwag mong kakalimutan ang mga taong naging bahagi ng buhay mo sa likod ng iyong pagsusumikap para sa katuparan ng iyong pangarap. At salamat sa pagtuturo mo sa aming lahat ukol sa pagpapahalaga sa Poong Maykapal. Enzo, ito na marahil ang isa sa mga matatamis na karangalang natanggap mo. Lagi mong itanim sa iyong isipan na lagi kang may ENZOpporters na hindi ka iiwan. Mga ENZOpporters na laging magbibigay ng isang nag uumapaw na suporta sa lahat ng bagay na iyong gagawin. Nawa'y gabayan ka ng Panginoon sa iyong laban sa buhay ng industriya ng Show Business. Magiging habambuhay akong Proud at Certified ENZOpporter. Hinding hindi ako nagkamali at nagsisi sa pagsuporta sayo. Maraming salamat Enzo. Dahil sa iyo, may mga taong nagkalapit lapit at naging mga tunay na magakakaibigan na nagdadamayan sa kahit na anong oras, katuwaan man o kalungkutan. Mga taong may nag iisang iniidolo at pangalang isinisigaw...


MABUHAY KA ENZO PINEDA! IKAW PA RIN ANG AMING ULTIMATE SURVIVOR!~^






Jhayr Jabon.
True Blue ENZOpporter

Tuesday, February 16, 2010

[ARTICLE] Is Enzo the next Ultimate Male 'StarStruck' Survivor?

Pagkakaroon ng positive na pananaw sa buhay ang naging daan ni Enzo para pasukin ang showbiz. Ngayong nalalapit na ang Final Judgement, ito pa rin ang pinapairal ni Enzo sa competition. Interview and Text by Reina M. Pagaduan. Photos by Naomi V. Pitargue and Jason John S. Lim.

stars

Enzo Pineda already considers his inclusion in StarStruck V's Final 14 an achievement; "it's really been a big achievement for me, [kasi] hindi ko talaga expect na nandito ako."

"Sobrang saya ang experience ko dito sa StarStruck," he adds. Kaya naman Enzo wants to enjoy every minute of being part of the show. "And of course, I feel so blessed [to be part of it]."

Growing in StarStruck

"I'm the type of person who always think positive sa lahat ng challenges na ibinibigay sa akin." And joining StarStruck, according to Enzo, has not changed this. Pero, he also reveals that his positivism made some parts of the competition harder for him:

"Ayaw kong nalulungkot 'yung mga tao around me." Which makes elimination nights especially hard for him kahit na hindi siya 'yung natatanggal. Lalo pa't isa sa mga inaral ni Enzo sa competition ang pagiging sensitive sa feelings ng ibang tao.

Sa course ng StarStruck V competition, Enzo says mas nakilala na niya ang sarili niya ngayon. "I learned more about myself," ika nga niya, "and how it is to be with other people."

Though, may isa pang natutunan si Enzo sa competition na ito, and that's to take out rice from his diet!

"Bago mag-StarStruck, medyo matakaw ako kumain," he confesses. Pero ngayon, "I'm following a strict no-rice diet. Iwas lang sa rice, dahil nakakalaki siya ng tiyan."

Enzo, Ultimate Male Survivor

"Hindi ko tingin sa sarili ko na magaling ako; I'm always eager to improve." Enzo says ito ang isa mga reasons na nakikita niya why he should be the next Ultimate Male Survivor. "Gutom na gutom ako to learn and learn, and to learn some more."

Dagdag pa niya, "someday, kung maging successful ako, [sasabihin ko] pa rin sa sarili ko na I have so much to improve pa rin." Enzo says learning is an ongoing process para sa mga artista; "hindi porque manalo ka ng StarStruck, magaling ka na."

stars

Ngayon pa lang, kabado na si Enzo sa parating na Final Judgment. He tells iGMA.tv, "kinakabahan ako, siyempre, at the same time, excited ako. It's gonna be something big for me." And to make sure na hindi siya pangunahan ng kaba, Enzo says he's just making the most out of everything in StarStruck na lang.

Ultimately, Enzo hopes his being a positive person would help him in the competition—and he will accept whatever God gives him. Ika nga niya, "I put God in the center of everything that I do."

Of course, hindi rin kinakalimutan ni Enzo ang mga taong sumusuporta sa kanya since Day 1 of StarStruck. At ang kanyang message for them:

"Sa mga Enzopporters, EnzSarah, the best kayo. I love you so much. Hindi ako makakarating dito kundi dahil sa inyo, sa patuloy na suporta ninyo. I've been so blessed na nandito kayo para sa akin, and sana after StarStruck, mas makilala ko pa kayo ng mabuti."

Nagbitaw rin si Enzo ng promise sa kanyang mga supporters; "I will always put my feet on the ground, because I owe everything to you and especially to God. Kaya mas gagalingan ko para sa inyo. I'm always gonna make you proud, and I will always do my best, and hindi ako magbabago para sa inyo."

Mark your calendars for the Final Judgment! Sa February 21, isang malaking celebration ang magaganap sa Araneta Coliseum! And patuloy na subaybayan ang StarStruck ShoutOut araw-araw, and don't forget to watch the final StarStruck V episode on Saturday, after Pinoy Records.

With just a week of StarStruck V remaining, Fanatxt is now giving you the option to be updated sa mga ginagawa ni Enzo, 24/7! Just text ENZO (space) ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)



CREDITS TO: http://www.igma.tv/story/6425/Is-Enzo-the-next-Ultimate-Male-StarStruck-Survivor

Thursday, February 11, 2010

THE NATURE OF ENZOpporters by willy@upeee.tv




























Given the grim nature of competitions this present time, is it still possible to have a fanbase which would cling to decent actions? If your answer is no, you probably haven’t heard of the Enzopporters.

The Enzopporters is a fresh group of people who simply aimed to support Enzo Pineda on his journey on Starstruck V. On the 29th of November 2009, a thread dedicated to him on PinoyExchange.com(PEx) brought to light the Enzopporters, a shortened term for Enzo and Supporters. The other choices for the group name were Enzolites (Enzo+Elite for Starstruck V Elite Explosion) and Enzophinoes (Enzo+fans or phinoes). Enzopporters became the official fanbase title when Enzo Pineda himself thanked and recognized the name on a shoutout episode in December 10, 2009.

Enzopporters started out with members from the online forum PEx, but was extended to the “real” world after their first meet-up in the first elimination night of Starstruck V. Now, the Enzopporters is composed of more than 60 people from online forums, people who come and cheer for Enzo and Enzsarah every live elimination nights and mall shows and hundreds of people who vote for him on Starstruck V through text and online voting. The Enzopporters is comprised of people from all walks of life, from different places across the country, may that be in Luzon, Visayas or Mindanao or even outside the country, people from different age brackets and backgrounds. Of course the numero uno fans of Enzo would be his family and friends. Even the high-profiled Mr. Eric Pineda created a PEx account, in the name of enzodad, in response to the request of Enzopporters. Enzo also has an account on PEx that he still uses, despite the barrier of "isolation" in virtue of the Quarter 1110.

What makes Enzopporters unique and unified are the values that they keep upholding, which are summarized as E-N-Z-O-P-P-O-R-T-E-R-S: Esteemed, Noble, Zealous, Open-Minded, Polite, Persevere, Optimistic, Reputable, Tactful, Encouraged, Remarkable, Smart. It is no less than Enzo Pineda who inspired the Enzopporters to make a difference by being “the light among the dark” as per Enzo’s favourite song, “Liwanag sa Dilim.” A visit on his thread might end the misgivings.

While others resort to trash-talking against other contenders, the Enzopporters keep itself firm on the principle spearheaded by Enzo. Amidst the derogatory comments others have posted upon Enzo, the course of action only boils down to two: defending Enzo or ignoring them at all.

Now on its third thread on PinoyExchange, the Enzopporters has been stronger than ever and after a meeting headed by Mr. Eric Pineda, the father of Enzo, Enzopporters became more of a force to reckon with on the competition, paving the way for the alternate name, the Enzoforce.

We don’t know how things in the competition will turn out but one thing is for sure: Enzopporters will always stay by Enzo’s side and will manifest the inspiration that we have been getting from Enzo since day one of his Starstruck Journey. It is not actually the competitiveness of Enzo that was admired by many but his positive spirit, motivation and humility in the world of mayhem called showbusiness. This inspired the Enzopporters to also do their best in everything, always keep positive and succeed without stepping on others.

We are the Enzopporters, and we are proud of it.

[PICS] Enzo Pineda during his Starstruck Days (Part I solo pics)


SPECIAL THANKS AND CREDITS TO THE OWNERS OF THE FOLLOWING PICTURES. :)






























Wednesday, February 10, 2010

[ARTICLE] A new look for the ‘StarStruck V’ Final 14

Last Sunday on ‘StarStruck V,’ na-uncover na ang bagong look ng Final 14 contenders. Image Mentor Abbygale Arenas-de Leon talks to iGMA.tv about the decision making behind the new looks, and the Final 14 contenders themselves give their own opinions. Text by Jason John S. Lim; with Interviews by Erick P. Mataverde. Photos courtesy of GMA Network and Mitch S. Mauricio.

Last Tuesday, Abbygale Arenas-de Leon met up with Barbi Chan, and the creative directors of Toni & Guy 6750 Makati to talk about the StarStruck V makeover. “Nagbalitaktakan kaming lahat,” Miss Abbygale shares with us. “Talagang nag-aaway-away pa kami. And finally, we made some decisions—without considering the talent’s feelings.

“Kasi, what we considered is: the look.” She explains that they didn’t want to consider feelings because it would only hinder them sa pagpili ng magandang look for the contenders. “We’ve considered the personality, the image—not necessarily the feelings. Alam na namin yun e. We know who would say no, but I just have to remind them the experts have decided.”

On the day of the makeover mismo though, last Thursday, umamin sa amin si Miss Abbygale: “Hay! Hindi ako nakatulog kagabi!”

Siyempre, “change is not easy, you know. It’s a big step.” Miss Abbygale says that the contenders are all still very young, and that they’re so comfortable in whatever image they have now. “Everybody wanted to be sweet—and we all know [na] sa pag-aartista, hindi naman puwede lahat maging sweet, ‘di ba? So we are creating images for them.”

While not actually doing any of the cutting, she tells us that her presence at the makeover is one very important thing: “I’m here to pacify them. [To tell them] na, ‘Huwag iiyak! Bawal umiyak!’” Of course Miss Abbygale is just kidding—but not completely. StarStruck V’s Image Mentor says she’s there to explain to them that what they are doing is for the betterment of their image as artistas.

The Final 14 speaks

After their makeovers, kinausap ng iGMA.tv isa-isa ang mga Final 14 contenders. And here’s what they have to say about their new looks:

stars

Fianca Cruz: “Okay naman po. Sobrang na-excite ako, sobrang happy ako sa kinalabasan ng look ko. Kasi sobrang, sobrang nakita ‘yung pagbabago ng mukha ko e. Parang naging bata ako. So nage-enjoy ako.”

Enzo Pineda: “Feel ko, parang bago akong tao. Parang na-rejuvenate ‘yung sarili ko, dahil may bago akong look. I feel fresh. Parang ready na ako sa mga challenges ahead.”

stars

Princess Snell: “Well, actually, sinasabihan nila ako na kamukha ko raw si Pauleen Luna. Pero okay lang naman. The hair siguro, kasi parehas kami ng hair. Pero I like everything. Kasi since dati pa, gusto ko na magkaroon ng short hair. E wala akong pinagkakatiwalaan. At the same time, nung nagkaroon nga kami ng test dito, ‘yung makeover and then gusto nilang i-[cut] ‘yung hair ko, pumayag na ako. Kasi alam ko naman na magaling talaga ‘yung Toni & Guy. So okay lang sa akin. And at some point, hindi ako malungkot na ginupitan ‘yung hair ko. Masaya talaga ako. Parang feeling ko, alam mo ‘yung sophisticated talaga? Sosyal, hindi ‘yung parang bara-bara [na] pa-cute. Iba ‘yung personality ko ngayon.”

Piero Vergara: “I like it. I look fabulous. No, I don’t know. It’s okay. I like it, it’s cool. Sir Nelson [Cruz, creative director of Toni & Guy] cut some parts for me, so it’s awesome. Really awesome. I like it right now. I think it’s good. But I have to memorize how to arrange my hair pa.”

stars

Rox Montealegre: “Actually po, hindi ko inexpect na magiging okay po ‘yung short hair. Kasi lagi po akong takot talaga. Forever po talaga akong long hair lang. So ngayon, parang feeling ko ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Ganito pala pag boy ‘no? Ang sarap lang ng feeling kasi hindi mabigat. Change is good, sabi nga.”

Steven Silva: “The makeover feels good. It feels almost like I’m a different person. But it’s nice. It’s a fresh feeling. I feel a little conscious, ’cause it looks really different. It’s different from what I’m used to. But I think it looks good—they did a good job on me.”

stars

Zeryl Lim: “It’s really—I love my new look. Honestly! This is the shortest haircut I’ve ever had, so this is something new for me. And I felt like I’ve had such an adult image for so long. I’m really happy about the new look. I asked them to make my hair shorter kasi I’m so bored with long hair. And not just long hair—I really wanted something very wild and striking about my new image.”

Sef Cadayona: “Sobrang, sobra-sobrang masaya. Kasi this is the first time I’ve gotten my hair shortened. Usually puro bangs ako, dahil tinatago ko ‘yung forehead ko and my big ears. But they managed to find a way na ang gandang tignan kahit sobrang iksi. So I’m really pleased.”

stars

Nina Kodaka: “Akala ko gugupitan nila ako ng maiksi; kasi tinatakot po ako ng mga staff. Sabi nila, ‘magpaalam ka na sa buhok mo. Tingnan mo na ‘yung salamin, magpaalam ka na.’ Tapos, nagpaalam po talaga ako. Sabi ko, ‘Salamat sa nakasama mo ako ng mga ilang taon.’ Sabi ko, ‘mahal kita, pero kailangan ko palitan.’ Pero dulo lang po ginupit sa akin. Tapos pinaitim lang po. Tapos, akala ko, ay ‘yun lang gagawin? Pero, sabi po nila, lalo daw po ako nagmukhang Japanese. Tapos lalo daw po ako nag-matured. Kasi mukha akong sobrang bata nung dumating ako dito. Sabi nila mukha daw akong 16. Pero kung sa unang-una, pag lalaki po ang nakapanood sa akin, siguro hindi po ako mapapansin na may ginawa po sa buhok ko.”

Rye Burgos: “I feel good. I love the new look. The one that cut my hair? He’s been cutting hair for 19 years! And he studied in London! So nagustuhan ko talaga. At first, hindi ako nagpapakulay ng buhok, so this is my first time talaga na nagpakulay ako. And I love it. Gustong-gusto ko talaga. Kasi I’ve had the same hair for almost five years na. So first time na iba. And change is good. I can’t say anything else. I love it.”

stars

Sarah Lahbati: “Well, I like it. Kasi it made me look younger. I like the bangs, and I like the hair color, kasi ‘yung bangs ginawang black, so nagmumukhang whiter ‘yung face ko. So I like the makeover. It’s simple pero maganda.”

Rocco Nacino: “Very happy. Although medyo kamukha rin nung hair ko dati, mas neat—nakakatuwa kasi neat and wild at the same time. Tapos ‘yung color niya, parang nakakaputi ba? It’s like dark brown, pero sa ilaw light brown siya. I look better now. Basta masaya ako.”

stars

Diva Montelaba: “Siguro nakita ng mga tao na ako ‘yung grabeng transformation. Kasi, as what you’ve noticed before, hanggang baywang ‘yung buhok ko. And it’s so straight, and so black—so sinabi ng mga experts na I really need to have a new look, kasi halatang-halatang probinsyana ako sa look na ‘yun. And now, they really want to create a Diva na mas may character—mas unique, mas pinago-glow ‘yung pagkamorena ko. So they came up with a very short hair, it’s very, very short. I cried when they cut it. Sobrang haba yun nung pinutol. Pero hindi ako nalulungkot, kasi the short hair is really good. I’m satisfied. Pero kinakabahan din, kasi hindi ko alam kung paano dalhin ito. Kasi nga naninibago. Pero one thing’s for sure: matutunan ko rin dalhin ito. At saka ang saya, kasi ang ganda ng response ng mga tao. Napakasarap ng feeling.”

Ian Batherson: “It’s okay. Pero parang—my forehead got a lot bigger. It’s sobrang different. I’m not used to it. I just have to think about it. I just wish this wasn’t happening—no, I just need to get used to it. I like the color, pero I wish they kept it longer. It’s so short—I don’t like it. Kasi they’re going for a rocker look, they should leave it a little longer if it’s a rocker look, am I right? So basically, it’s like short and colored—I don’t understand. I wish my hair grew, like, really fast. But it doesn’t, so I should get used to this look. I just hope people don’t judge me from this new look. Kasi it really wasn’t my idea, but I need to respect my mentors and the staff, so I will try to like it. And it’s okay, I mean. When it grows out a little longer, maybe it won’t be so bad.”

Kayo? Ano ang masasabi niyo about their new looks? Pag-usapan ang StarStruck Vmakeovers and your favorite contenders sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!

Text from iGMA.tv

Vote for your choice survivor! Just text STARSTRUCK (space) NAME OF CONTESTANT and send to 2344 for Globe, TM and Sun subscribers, and 367 for Smart and Talk N’ Text users. Each vote costs PhP2.00 for Sun subscribers and PhP2.50 for other networks. (This service is exclusive for the Philippines only.)


CREDITS TO: http://blogs.igma.tv/starstruck/2009/12/09/a-new-look-for-the-starstruck-v-final-14/

[ARTICLE] Survivor 10, Factor 3

This Sunday, ibang klaseng elimination ang aabangan ng viewers sa ‘StarStruck V.’ Dahil instead of voting to save the contender of their choice, the fans will be voting for the survivors they want eliminated—and the contenders themselves, as well as the council, will be voting with them.

Sa unang Linggo ng 2010, Dennis Trillo and Carla Abellana revealed to everyone what Factor 3 is: it is the power of the audience to vote out the contender they want eliminated. At dahil pre-determined non-elimination night ang live episode last January 3, viewers should expect a double elimination next Sunday.

stars


Contender Diva Montelaba tells iGMA.tv after the live show last Sunday na “super unpredictable lahat ng nangyayari sa StarStruck.” She admits na nagulat raw siya sa twist ng Factor 3, “kasi nga ine-expect ng lahat na may matatanggal tonight, pero wala. And it comes with a very complicated twist.”

Kinakabahan si Diva sa puwedeng mangyari sa susunod na elimination night. So ang plan niya, “babawi na lang siguro ako sa performances. Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko sa lahat ng challenges; kaya ayun, I’m just asking for the support of everyone: don’t vote for me, vote for the other survivors for me to stay in this competition.”

The elimination criteria will be as follows: 60% of the score will come from the votes of the audience, 20% will be coming from the council, and 20% will come from the contenders voting each other out.

And this is something different for Enzo Pineda. Isa sa mga strongest contenders when it comes to fan base, Enzo tells iGMA.tv na Factor 3 “is something new to the table. Anything can happen talaga.”

Enzo also tells us na ready na siya to vote someone out: “may nakikita na rin [ako].” Dagdag niya na magkakaibigan daw silang lahat, “pero on camera, it’s a competition. Hindi ka dapat shy sa feelings mo; kailangan sabihin mo talaga, kasi career mo rin ang nakasalalay.”

For the January 11 elimination night, Factors 1 and 2 will be suspended. So kahit malagay sa bottom group sina Ian Batherson at Princess Snell, this will not mean an automatic elimination for them. Pero at the same time, the council will not be able to use their special power to stop the elimination.

Halata ang tuwa ni Ian sa announcement of Factor 3: “It’s better than Factors 1 and 2 for sure.” Kuwento niya, sobrang natuwa raw siya at walang natanggal sa kanila. “Next week, mayroong dalawang matatangal,” he tells us. Pero for now, he shares that he’s just trying to enjoy the fact na magkakasama pa rin sila.

At ang kanyang plano para hindi ma-vote off? “I will just stay myself, message all my supporters on Facebook.” Diin ng binata, he wants to be as approachable as possible. He even says na if people see him on the streets, or while at the mall, feel free lang daw to approach him. “I’m just a regular guy who was given an awesome opportunity.”

Kung si Ian masaya sa Factor 3, si Nina Kodaka hindi alam kung ano ang mararamdaman nang i-announce ito! She tells us after the show, “luha ko talaga ‘yung unang lumabas bago ‘yung tuwa.” Nina says getting left behind with fellow survivor Rox Montealegre scared her. “Parang nanlamig ako, akala ko parang babaliktarin—kami ‘yung matatanggal.”

And of course, nandoon ‘yung fear of voting someone else sa darating na elimination night. Nina says hindi niya puwedeng gawing basis ang talent, “kasi para sa akin, ‘yung talent nakukuha naman sa practice, sa workshop.” And that’s why she will base her vote sa attitude: “‘yung ugali ng tao, hindi po mababago ng basta-basta.” If given the choice though, Nina says, “kung puwede lang walang matanggal forever.”

Si Piero Vergara, hindi daw masyadong nagulat sa Factor 3 twist. “I expected it na rin,” he admits to iGMA.tv. Nang sabihin raw na Factor 3 will also affect the viewers, “I thought most likely it would be like a vote out from the people, from the survivors and the council.”

Though, inamin sa amin ni Piero na “it’s still a little surreal to think that we have to vote somebody out. I’ll probably vote myself out—I don’t think I can make a decision like that.”

stars


If Piero isn’t ready yet to vote someone out, si Princess Snell ready na. “Competition ito: kung sino ‘yung matira, siya ‘yung panalo. [At] gusto ko talagang magtagal.”

With the introduction of Factor 3, inamin ni Princess na natutuwa siya. “Hindi ko naman sinasabing gusto ako [ng] lahat, pero paano kung ‘yung mga tao gusto ako, at ‘yung taong ayaw nila, aalisin nila—matutuwa ako doon.” But this is a double-edged sword for Princess, dahil alam rin niyang it could turn the other way. “Paano kung ‘yung mga tao, ayaw nila sa akin?”

Meanwhile, Rocco Nacino reveals to iGMA.tv na ang magiging basis niya for voting someone out is their threat sa kanyang career. “Sobrang hirap na sabihin kung sino ang hindi deserving para manalo ng StarStruck,” he says. Kaya naman he’s focusing on who can beat him sa mga challenges.

Rocco knows that this plan can backfire—dahil siya ang tinuturing na threat ng mga kalalakihan. Kaya ang nasabi na lang ni Rocco, “sana maka-stay pa ako dito. Dahil para sa akin, hindi pa ako ready umalis. Ang dami ko pang gustong gawin dito.”

As for Rox Montealegre, kabado siya sa Factor 3. “Siyempre, kung maraming galit sa ‘yo, e di ikaw ‘yung ivo-vout out nila.” Very interesting daw ang StarStruck kasi one should expect the unexpected talaga. Pero from Rox, she says fans should expect her not to change—even with Factor 3 looming ahead.

She tells us na ever since naman daw, isa lang ang ginagawa niya: “be real lang on television. I mean, be consistent kung ano lang ginagawa ko. I just show them who I am, and sila na lang mag-judge kung sino talaga ang nakikita nila na hindi deserving sa spot na ‘yun.”

Si Sarah Lahbati, hindi inexpect ang Factor 3 twist. “Akala ko, tatlo ‘yung matatanggal or dalawa—so siyempre, nagulat ako.” Sarah thinks the vote out is a good idea: “kasi ‘yung manunuod ang magde-desisyon. Magandang idea ‘yun para ipakita nila kung sino talaga ‘yung gusto nilang matanggal.”

Pero aminado rin siya na kabado siya sa puwedeng maging resulta nito for her—especially since two weeks na siyang nasa-sideline. “I have to do my best. Kasi it’s been two weeks na nasa side lang ako, tapos iba ‘yung nasa [spotlight]. Gusto kong umakyat doon. Two weeks nang hindi ako pinapansin, kailangan kong bumawi, kailangan kong bumalik.”

Si Steven Silva naman, hindi pa naka-recover sa twist ng Factor 3 nang makausap namin. “Talagang hindi ko alam kung anong ie-expect. What’s gonna happen now? Factor 3 is so different—I wasn’t expecting Factor 3 to be like that.”

Dagdag niya, “ngayon the votinig is gonna come from the viewers—and now, it’s sinong gusto mong matanggal. Sobrang shocked ako.”

Who do YOU want eliminated? Just text OUT (space) NAME OF CONTESTANT and send to 2344 for Globe, TM and Sun subscribers, and 367 for Smart and Talk N’ Text users. Each vote costs PhP2.00 for Sun subscribers and PhP2.50 for other networks. (This service is exclusive for the Philippines only.)

You can also vote through the website StarStruck.TV.

Sampung survivors na lang ang natitira, and you can bet na lalo pang titindi ang mga challenges na haharapin nila! Araw-araw may bagong gagawin, at may bagong panonoorin—kaya don’t miss the daily StarStruck ShoutOut, now airing three times every day: before Eat Bulaga, after Kaya Kong Abutin ang Langit and after Full House.

At siyempre pa, ‘wag ninyo rin palalampasin ang weekly round-up of what happened tuwing Saturday pagkatapos ng Pinoy Records. And this Sunday, after Kap’s Amazing Stories, dalawa ang matatanggal.


CREDITS TO: http://blogs.igma.tv/starstruck/2010/01/04/survivor-10-factor-3/

[ARTICLE] The Life of the Survivor 6 at StarStruck 1110

For two weeks now, the remaining “StarStruck” survivors have been living under one roof, sa StarStruck 1110. And iGMA.tv has an exclusive scoop on how the survivors are adjusting to their new independent lives and we found out which survivor is extra-happy with this new challenge.


stars

The StarStruck 1110 Reaction

Two weeks ago, the StarStruck survivors were told that they would now be living under one roof, the StarStruck 1110 quarters. Pero for survivor Diva Montelaba, parang wala naman daw nagbago sa kanyang paglipat ng tirahan.

“Kasi matagal-tagal na rin akong naka-hotel,” the Cebuana survivor tells us. “Kailangan lang ng kaunting adjustments, kasi may mga boys ding kasama aside from Steven [Silva] na nakasama ko rin sa hotel. [Pero, mostly] pareho lang ng life namin before kami nag-1110.”

Pareho ito sa sagot nina Sarah Lahbati at Steven Silva who say that nothing much has changed sa kanilang pagtira sa 1110 quarters.

Sarah shares, “Okay naman, para lang kami nagbabahay-bahayan kasi pag nandoon kami, parang puro games lang. Pag walang magawa, kuwentuhan, nagluluto, so parang bahay-bahayan.”

Pero one of the hotel residents pre-1110, mas masaya ngayon sa kanilang bagong set-up, si Nina Kodaka.

“Ang pinakakinatutuwaan ko, ‘yung pag-uuwi na, sabay-sabay kami.” Nina says she really likes that part the most. And the fact na there’s always someone waiting for her when she gets home. “Kapag solo taping, pag-uwi ko, nasa sala sila—ang dami nila: [my] family.”

This is because, Nina explains, when she was still in Japan, lagi raw siyang walang inaabutang tao sa bahay nila. Kaya naman ngayon na lagi na siyang may kasama, “Ang feeling ko, nagkaroon ako ng second family.”

Medyo teary-eyed si Nina nang sabihin niya ito, “Akalain mo makikilala ko sila [dahil] sa isang audition lang at makakasama ko pa sila sa bahay? ‘Yun ang nasa isip ko kapag kumakain kami, or kapag naghuhugas ako ng pinggan, tapos nakikita ko sila kumukuha ng inumin sa ref. ‘yung mga simpleng bagay lang, na makikita ko at mapapansin, pero ang dami kong naiisip.”

Si Enzo Pineda at Rocco Nacino naman, masaya rin ang reaction sa 1110 living situations nila. Enzo is happy to have more responsibilities, and to learn how to be independent while Rocco is happy in getting to know his co-survivors more.

stars

Adjusting to the 1110 life

Enzo shares that his biggest adjustment ngayon ay ang magising ng maaga. “Kailangan kong magising ng maaga kasi we all share the same bathroom.” He explains na ngayon, living with five other people who aren’t his relatives, “You have to be patient, you have to accept their personalities. [And] if you accept their personalities, they’re going to love you as well.”

Ang adjustment ni Rocco, may kinalaman rin sa paggising.

“I try to put on a smile paggising ko, para hindi ko sirain ang araw ng ibang kasama ko.” Rocco says that so far, ito pa lang naman daw ang adjustment na kinailangan niyang gawin. “I’m still being myself.” Pero he’s also trying to be more understanding, “Dahil iba-iba nga ugali ng mga kasama ko, and kung ano ‘yung habits nila, I have to understand that. So far, it’s working out.”

Si Sarah naman, natutong maging mas considerate. “For example, sa shower, sa hotel [dati], mas may time kami. Iniisip ko, hindi lang kami tatlo ngayon, so kailangan mas mabilis. Kailangan ayusin ko ‘yung time para ‘yung iba, makapag-shower ng maayos.”

Bukod dito, Sarah says she’s also now more comfortable with the boys. “Kasi dati, araw-araw nga kami nagkikita, pero ngayon, araw-araw pa kami na sabay gumigising, nagtu-toothbrush–para na kaming isang pamilya. Kumportable na kami sa isa’t-isa.”

Sabi ni Steven, hanggang ngayon, they are all still adjusting: “It’s still an adjustment period for all of us. Kasi dati, we’re all living in our space, tapos ngayon, we’re all together.” Pero wala naman daw nagiging problema sa kanilang pagsasama under one roof. “Everyone’s okay.”

The issues of living together

Sa pagsasama-sama sa isang bahay, hindi maiiwasan na magkaroon ng issues. At first day pa lang nila together, nagkaroon na agad ng isa: ang pag-raid ng girls sa gamit ng mga boys.

Diva explains, “kami lang kasing tatlong girls ang nasa bahay.” Kuwento niya, they’ve already done everything they can at the house: fix their things, cook, clean. Dahil bawal silang gumamit ng cellphones at wala pang nagdadala ng laptop at the time, “parang inisip namin, puntahan kaya natin ‘yung room ng boys? Ayun, na-shock sila [ang boys].”

Natatawa si Enzo nang maalala niya ‘yung incident, especially after how some fans reacted to what was found inside his bag.

“Nagulat ako,” inamin ni Enzo. “Medyo malabo lang ‘yung mga nakita sa akin: ‘yung mga make-up, ganoon. Kala nga nila ‘yung isa feminine wash. [It was] hydrogen peroxide. So ano lang, para sa amin, nagulat lang kami. At the same time, nakakatawa siya. Parang, ‘Ha? Ginawa nyo? So kami naman dapat gumawa?’” Enzo assures the girls naman na hindi talaga sila gaganti sa pag-raid ng mga gamit. He adds with a laugh, “Joke lang [yun].”

Sina Nina at Rocco naman, sa pagkain nagkadalihan. Feeling the public scrutiny, the two decided to go on a diet na start pa lang, parang pumapalpak na!

Kuwento ni Nina, “Sabi namin [ni Rocco], magsa-salad lang [kami].” Kaya naman daw nang bumili ng groceries, bumili sila ng mga gulay for their salad na dapat tatagal ng ilang araw. Ang kaso: “Isang araw lang, naubos ‘yung salad! Hindi siya diet!”

stars

No more competition

Everyone agrees na after StarStruck 1110 wala na talagang personalan na competition sa kanila. All of them are one big family now.

Steven says, “Ngayon, mas close kami. Kasi instead of just being together sa GMA, we’re together all the time. And if you’re together all the time, you’re gonna get closer.”

Rocco explains further, “Para sa akin, pag nandoon kami sa StarStruck 1110, we’re enjoying ourselves. Pagdating sa GMA, lahat kami professionals dito.”

Talk about the StarStruck V Survivor 6 and their life at the 1110 quarters at the iGMA Forum! Not yet a member? Register here!

Palapit na ng palapit ang Final Judgment ng StarStruck V! Kaya don’t miss the daily happenings sa kanilang quest to be the next Ultimate Survivors every day sa StarStruck ShoutOut. Catch it before Eat Bulaga, after Gumapang Ka sa Lusak and after Full House.

At siyempre pa, don’t miss the weekly round-up of what happened every Saturday pagkatapos ng Pinoy Records, and the elimination night on Sunday, pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories: Kid Edition.

Vote to keep your choice survivor in the running! Just text STARSTRUCK (space) NAME OF CONTESTANT and send to 2344 for Globe, TM and Sun subscribers, and 367 for Smart and Talk N’ Text users. Each vote costs PhP2.00 for Sun subscribers and PhP2.50 for other networks. (This service is exclusive for the Philippines only.)

Or you can also vote through the website StarStruck.TV.


CREDITS TO: http://blogs.igma.tv/starstruck/2010/02/06/the-life-of-the-survivor-6-at-starstruck-1110/

[ARTICLE] My5 lets viewers choose their Final V

My5 lets viewers choose their Final V

May napili ka na bang magiging Final V mo para sa judgment day ng StarStruck V? We asked the Survivor 6 what they think of this new twist, kung saan everyone will pick their own Final V, and why fans should include them in their list.

stars

February 7 was another pre-determined non-elimination night. Instead, Dennis Trillo and Carla Abellana announced that the voting will change for the last elimination night of StarStruck V to be held this coming February 14—through My5. Araw man ito ng mga puso, pero for sure may isang puso na siguradong madudurog sa huling elimination night.

Pero last night, everyone was all smile pa rin because they will all spend one more week together as the Survivor 6.

Inamin ni Nina Kodaka na nagulat siya sa pag-declare ng non-elimination night. Though, kinuwento rin niya na she thought sila ni Sarah Lahbati ang nasa safe group! “Nung nandoon ako sa side tapos dumating si Sarah, parang ‘ay, baka kami ‘yung hindi bottom group.’ E dumating si Rocco [Nacino]. Parang ganito ‘yung nangyari nung last time na na-bottom three ako e.”

And if before, Nina has appealed to people that she wants to win the competition, may panibagong level na ng dahilan si Nina kung bakit ayaw pa niyang ma-eliminate ngayon. “Ayaw kong matanggal kasi gusto ko makasama pa rin sila.”

“Ito ‘yung pangarap ko,” Nina says of her StarStruck journey. Pero, she also says, hindi na competition ang tingin niya sa StarStruck. And if she gets into the Final V, she says it would be like a gift for her “na magkakasama pa rin kami. Two weeks pa. Gusto ko pa silang makasama.”

“Ayaw ko nang matapos pa ‘to.”

Si Rocco naman, nagulat sa announcement of My5. “It’s a very unique way of getting the Final V,” ika nga niya. “I hope maisama ako ng mga tao sa mga lists ng Final V nila; and I’m praying talaga.”

This survivor knows na talent continues to play a big part in the competition, kaya naman he reveals that he plans on wowing the crowd again come Sunday. “Kakaibang Rocco na naman ang makikita nila—siguradong magugulat sila sa gagawin ko.”

At sa issue na siya raw ang itinuturo ng Council na lumalaki ang ulo, sinabi ni Rocco sa amin that he doesn’t know kung siya nga ang tinutukoy ng Council. “Pero para sa akin, ang gagawin ko: iisipin ko na ako ‘yun.”

But Rocco hopes na hindi nga siya ang tinutukoy ng Council, “but starting tonight, I’ll keep [what they said] in mind.” Kuwento niya na ayaw daw niya ang ganoong ugali, kaya naman he will start checking himself kung nagbabago na nga ba ang ugali niya. “Yun ‘yung sisira ng career ko, so I’m thankful na rin na kung ako po talaga ‘yun, nasabi na nila, para magawan ko ng paraan.”

stars

Si Sarah, na-shock din. “Hindi ko alam kung anong word ‘yung gagamitin ko para sa emosyon [na naramdaman ko]: na-shock ako, kinabahan ako, na-sad ako, nasiyahan ako—lahat ng emosyon!”

Admittedly, nangibabaw ang tuwa for Sarah that she be given another chance and one more week, to prove herself. “Siguro paulit-ulit ko nang sinasabi [na] ibibigay ko na ‘yung best ko, pero ito na talaga ‘yung week na magse-seryoso na talaga ako.”

Next Sunday, binanggit na nina Dennis at Carla that they will announce the second part of Factor V—the same factor that Dingdong Dantes himself mentioned in the primer of StarStruck V last November: it is something that has already come into play, day one pa lang ng competition.

Bilang isang contestant who has been there since Day One, iGMA.tv asked Sarah kung may clue ba siya or theory as to what this particular twist is. “I am clueless,” ang sinagot ni Sarah. She mentioned na inisip raw niya na baka wild card ito, pero because only two weeks are left before the Final Judgment, “inisip ko, maybe hindi rin wild card. So clueless talaga ako.

“Abangan na lang natin sa Sunday.”

The first ones saved

Pre-determined non-elimination night man ang February 7 live episode ng StarStruck V, drama was still drummed up by deeming three survivors safe before announcing that no one would be eliminated. They were: Steven Silva, Diva Montelaba and Enzo Pineda.

Si Enzo, akala raw safe talaga siya.

“I know na this week, lalo na sa mga mentors, I needed to prove myself to them.” Dahil sa mga comments na ibinigay nila sa kanya Enzo was driven to prove na he does deserve to be in the Final Judgment. “I want to show them that I can really do better—that I can step up. ‘yung hunger na sinasabi nila, ‘yung hunger na gusto kong gumaling—nandoon.”

Thankful si Enzo sa mga sinabi ng mentors sa kanya. “It’s not a bad thing,” he surmised. “Dahil sobrang na-motivate po ako. Sobrang thankful po ako sa mentors, kay God—sa lahat. Pinu-push talaga ako.”

Si Diva, hindi takot sa My5 twist. “Okay naman siya,” she began. “[Pero] naniniwala ako, mas effective pa rin ‘yung talent.” Alam ni Diva na importante rin ang votes, after all, na-experience na niya ang mapasama sa bottom group. Pero in the end, Diva told us “I still believe na kung para sa akin ‘to, para sa akin ‘to.”

Regarding the non-elimination night naman, Diva is just happy. “Saya kasi walang nawala. Ganoon pa rin: kami-kami pa rin.”

At si Steven, handa na daw dapat siya to say goodbye to someone—or even to everyone. “Kasi akala ko may isang taong matatanggal—that one person would go.” Pero even though no one was eliminated, Steven said “feeling ko, ang lahat ng survivors hindi safe. No one’s safe. Kasi you have to show that you deserve to be here.”

Lalo na ngayon, with the My5 twist.

stars

“Alam ko talaga, this week, I really have to exert myself, really do my best.” Sa course ng StarStruck V, marami na ang nagsabi na si Steven ang least deserving na maiwan. Kaya ngayon, gusto niya silang i-prove na mali. “Alam ko, I can keep doing more. Talagang mas kailangan kong mag-improve sa lahat. I still want to do better—keep doing better.”

At talagang sineseryoso na ito ngayon ni Steven—especially sa kanyang Tagalog-speaking skills. “Sa start ng StarStruck, talagang wala akong alam na Tagalog. As in. Pero ngayon, meron na. I’m still learning, but I’m happy kasi I’m really improving.”

“But I know there’s a lot more to do.”

And that last statement from Steven goes for everyone as well. There’s a lot more to do sa huling dalawang linggo ng StarStruck V.

Only one elimination night remains—do you think your Final V will make it to the Final Judgment? Vote to keep your choice survivor in the running! Just text MY5 (space) SURVIVOR1, SURVIVOR2, SURVIVOR3, SURVIVOR4, SURVIVOR 5 and send to 2344 for Globe, TM and Sun subscribers, and 367 for Smart and Talk N’ Text users. Each vote costs PhP2.00 for Sun subscribers and PhP2.50 for other networks. (This service is exclusive for the Philippines only.)

Remember, if you have less than five names in your vote—it will not be counted.

You can also vote through the website StarStruck.TV.

Mark your calendars on February 21 for the Final Judgment dahil isang malaking celebration ang magaganap sa Araneta Coliseum! Want tickets para makapasok sa event na ‘to? Just keep tuning in sa GMA-7 shows para malaman kung paano makakakuha.

And siyempre, also tune in sa StarStruck ShoutOut, airing three times from Mondays to Fridays; bago mag-Eat Bulaga, pagkatapos ng Gumapang Ka sa Lusak at pagkatapos ng Full House.

You can also get up to speed through the weekly round-up of what happened on Saturday, pagkatapos ng Pinoy Records. And find out kung sino ang huling survivor na magpapaalam sa 10th Elimination Night this coming Sunday, February 7, pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories: Kid Edition.


CREDITS TO: http://blogs.igma.tv/starstruck/2010/02/08/my5-lets-viewers-choose-their-final-v/

[ARTICLE] Top 8 survivors sinagot ang mga fans

Top 8 survivors sinagot ang mga fans

iGMA.tv gave fans of ‘StarStruck V’ a chance para magtanong ng sarili nilang questions sa natitirang mga contestants ng show. Nang harapin ng contenders ang press last Wednesday, January 20, sa isang pocket press conference, hinarap rin nila ang mga katanungan ng fans nila. Ano ang mga naging sagot nila? Alamin.

stars


The first question is for Diva Montelaba; tanong ni James Jam, “sa tingin mo, dapat bang makaapekto sa morale ng isang contender ang negative comments ng Council?”

Diva answers, “I think morale is a very heavy word.” Para sa dalaga, hindi naman daw kaligayahan ng Council ang magbigay ng negative comment sa isang contender. “As what they always say, gusto nilang i-bring out ‘yung best ng isang survivor. So ‘yung pagbibigay ng negative comments, binibigay nila to affect us in a positive way—for us to improve, and to give our best.”

Dagdag ni Diva, helpful nga raw sa kanya ang comments ng Council, negative man or positive. “Nakakatulong po talaga siya; kasi ako, super madaling maapektuhan. Pero pag naririnig ko ‘yung comments nila, nafi-feel ko na at least napapansin [ako].” So to answer the question, Diva says, “hindi dapat makaapekto sa morale ng isang survivor [ang comments] ng Council, [dahil] nakaka-improve siya [at] nakatutulong ng sobra.”

Ang tanong naman for Enzo Pineda comes from Godwyn Tan; he asks, “kampante ka na ba na manalo kapag natangal si Rocco [Nacino], na sa tingin mo na wala sa iyong binatbat sina Ian [Batherson] at Steven [Silva]?”

Enzo is quick to defend na hindi siya magiging kampante even if Rocco does get eliminated. “Hindi lang po manalo sa StarStruck ang goal ko,” he reveals to us. “I want to be a great artista some day.”

Sa isa sa mga ShoutOuts nila, nabanggit ni Enzo na si Rocco ang benchmark na gusto niyang lampasan sa competition. Pero nilinaw ni Enzo na that doesn’t mean si Rocco lang ang nakikita niyang threat sa StarStruck V, because “it does not stop there.” He explains na “‘yung pagiging artista, ongoing purpose siya. Let’s say [na] magiging successful po ako someday, of course I will [still] try to push myself more. It does not stop pag nasa peak ka na, [or] nasa prime ka na ng pagiging artista mo. You have to maintain it.” He adds, “kailangan talaga discipline, focus—at hindi lang short-term goals.”

So to clarify, hindi minamaliit ni Enzo sina Ian and Steven—si Rocco lang ang naging benchmark niya dahil ito ang laging nakikitang nage-excel sa kanilang mga challenges.

stars


The third question goes to Nina Kodaka. Prince Jhervy Espiritu wanted to know, “how can you be an action star if kulang ka sa energy? What are the things na pwede mong gawin to improve in that field, na laging kini-question sa iyo ng mga co-StarStruck contenders mo and the Council as well?”

Ang sagot ni Nina, “kasi ‘yung action movies po, para sa akin, parang sumasayaw sila.”

At dahil nga pareho para kay Nina ang action sequences at dance numbers, ang plano niya ay, “iisipin ko na lang sumasyaw ako. Kasi pag sa sayaw, medyo bumibilis ako ng kaunti kaysa sa normal.”

For the next question, Ianatic Khyle wants to ask his idol Ian Batherson: “Hanggang ngayon kasi kinukwestyon pa rin ng mga manunuod at ng StarStruck Council ang talento mo. Sa tingin mo Ian, ano pa ang dapat mong ipakita, gawin o patunayan upang masabi nila na meron kang talento, at kaya mong umangat sa industriyang ito?”

“Marami pa akong ibang ma-o-offer sa Council,” Ian assures his fan. “Pero hindi ko talaga ipinakikita yet.” Ian says na para sa kanya, he’s okay-rounded when it comes to talent. “You know what I mean? Hindi [ako] magaling sa lahat, pero okay lang sa lahat. [And] kung okay ka sa lahat, puwede ka pang mag-improve.” Ian says he’s a very fast learner, citing his Tagalog as an example. “Nandito pa lang ako sa Pilipinas ng five months or so, tapos nakakapag-usap na ako in Tagalog. Pero nung bagong dating ako, hindi ako marunong magsalita [in Tagalog], English lang.”

He teases na this Sunday, he’ll be showing off a different set of skills from the ones he has already show. “I’m a very athletic person,” Ian tells us, and he hopes na makita ‘yun ng Council sa kanyang performance this Sunday. “I think there’s hope for me. And to answer Khyle’s question, I’ll show [the Council] something different, and [hopefully] they’ll appreciate it. I hope that answers the question.”

stars


The next StarStruck contender to face a fan question is Rox Montealegre. Tanong ni James Jam, “dapat bang may weight sa council ang attitude ng isang contestant, o mas matimbang [ba dapat] ang star potential at star quality?”

Ang sagot ni Rox, “for me, balanced lahat; feeling ko, equal lang lahat ‘yun.”

“Yung star quality, ‘yung talent, ‘yung talino, ‘yung attitude—lahat [yun], it makes the person whole.” Rox clarifies na hindi puwedeng ma-quantify na dapat more on star quality ang paboran ng Council. “Ano yun? More on looks but less on attitude?” She adds na hindi puwedeng bigyan ng mas maraming importance ang isang factor over the other, “kasi it makes the person whole.” She adds pa na, “too much of everything is bad, ‘di ba? So laging in the middle.”

Rocco Nacino gets a hot question from Prince Jhervy Espiritu, who wanted to know: “Do you believe that your fan base is talagang mababa and those awards lang ‘yung naging dahilan why you stayed in the competition? That means hindi ka mabenta sa public, as per Direk Floy said in the one of the ShoutOuts.”

Rocco replies, “Unang-una, thank you kay Prince Jhervy Espiritu for that question.” He then answers, “siguro like one fan told me sa Facebook, it’s a possibility na iniisip ng fans ko na: ‘Uy, si Rocco kaya naman niya ‘yan. We believe in Rocco, kayang-kaya niya siguro umabot sa Final 4 without our help.’ Siguro naging kampante ang mga fans, iniisip nila na: ‘Siguro hindi na natin kailangan iboto si Rocco, siguro ‘yung mga underdog na lang iboto natin.’”

Rocco says that maybe, “just maybe, that’s the reason kung bakit mababa ‘yung votes ko. Kaya ngayon, nananawagan ako sa mga fans ko, ‘yung mga supporters ko, if ever totoo nga ‘yun, ‘wag maging kampante. Kasi malaking portion din talaga ‘yung text votes. So hinihingi ko rin talaga ‘yung tulong nila.”

stars


Forward-thinking naman ang question ni James Jam para kay Sarah Lahbati; he wanted to know, “sino ang gusto mong makatapat sa Final Judgment sakaling makapasok ka sa Final 4? Gusto mo bang may ka-loveteam o gusto mo na solo kang i-build up as an artist?”

For the first question, Sarah says she wants to face Nina Kodaka in the Final Judgment. Pero inamin rin niyang mahirap na talagang pumili ngayon.

Sa second question naman, Sarah answers, “for me naman po, kung ano ang ibigay sa akin, may love team o wala, tatanggapin ko po ng buong-buo. Pero siyempre mas gusto ko pong may love team mag-start, para hindi po ako mag-isa, para po magtulungan po kami. So parang masanay muna po ako sa showbiz. And then, kung bigyan ako ng kung ano mang projects na mag-isa lang ako, or love team, okay lang po sa akin. Tatanggapin ko po.”

Ang last question, for Steven Silva, ay may bahid ng pangiintriga. Boomboomer Cruz asked, “Sino sa tingin mo ‘yung not deserving to be in the Final 8 and why?”

Steven says every one in the Top 8 are really deserving. “Lahat kaming contestants, we went through so many cycles like Top 100, Top 60—” More pa nga raw, he adds, sa kanilang mga nanggaling sa Regional auditions. “So I think, everybody here have a chance, and they’re really deserving, kasi they went through so much.”

He does let slip na before, “there were some people na maybe, hindi deserving, pero maybe StarStruck’s not for them?” But ang bottom line niya, “ang lahat dito sa StarStruck really deserving, kasi we went through so much to be here.”

Satisfied ba kayo sa mga sagot nila? We’ll give you guys another chance to ask your questions again—though the iGMA Forum naman! Not yet a member? Register here!

Palapit na ng palapit ang Final Judgment ng StarStruck V! Kaya don’t miss the daily happenings sa kanilang quest to be the next Ultimate Survivors every day sa StarStruck ShoutOut. Catch it before Eat Bulaga, after Kaya Kong Abutin ang Langit and after Full House.

At siyempre pa, don’t miss the weekly round-up of what happened every Saturday pagkatapos ng Pinoy Records, and the elimination night on Sunday, pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories.

Vote to keep your choice survivor in the running! Just text STARSTRUCK (space) NAME OF CONTESTANT and send to 2344 for Globe, TM and Sun subscribers, and 367 for Smart and Talk N’ Text users. Each vote costs PhP2.00 for Sun subscribers and PhP2.50 for other networks. (This service is exclusive for the Philippines only.)

Or you can also vote through the website StarStruck.TV. — iGMA.tv


CREDITS TO: http://blogs.igma.tv/starstruck/2010/01/22/top-8-survivors-sinagot-ang-mga-fans/

[ARTICLE]StarStruck V finalist Enzo Pineda reacts to intrigue that his family's wealth is the only reason he's still in the competition


StarStruck V finalist Enzo Pineda reacts to intrigue that his family's wealth is the only reason he's still in the competition

Erwin Santiago

Thursday, January 21, 2010
04:49 PM

Isa sa ibinabatong intriga sa StarStruck V finalist na si Enzo Pineda ay ang yaman ng pamilya niya, na siya diumanong dahilan kaya hindi pa siya natatanggal sa competition. Si Enzo ay anak ng business manager ni Manny Pacquiao na si Eric Pineda. Hindi naman kaila na kaakibat ng bawat boxing match at endorsement ni Pacman ay may bahagi rito ang ama ni Enzo bilang business manager ng Pambansang Kamao.

Ang tungkol dito ang isa sa mga itinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Enzo sa pocket presscon na ipinatawag ng GMA-7 para sa natitirang walong contenders ng StarStruck V kahapon, January 20, sa 17th floor ng GMA Network Center. Bukod kay Enzo, nasa competition pa rin sina Ian Batherson, Rocco Nacino, Steven Silva, Nina Kodaka, Sarah Lahbati, Rox Montealegre at Diva Montelaba.

Ano ang tunay na nararamdaman ni Enzo kapag naririnig niya ang intriga na dahil lang sa impluwensiya at yaman ng kanyang pamilya kaya siya tumatagal sa StarStruck V?

"For me, it's their opinion," sagot ng 19-year-old showbiz hopeful. "Siguro sa umpisa po, parang, 'Bakit ganun?' Pero, I just have to reflect on things dahil alam ko di naman ganun ang pamilya ko. We're good Christians. But I can't deny na tinutulungan po ako ng buong pamilya ko. Maybe through networking lang or through friends, which I really appreciate. Kasi lahat po kami [sa StarStruck V], tinutulungan talaga ng pamilya namin. We can't help it also."

Pero siya raw kasi ang pinakamayaman sa mga contestant, at dahil 50 percent ng votes ay mula sa text votes, malaking advantage ang pagiging mayaman niya.

"Hindi naman po based sa money, e. Nandito po ako hindi po dahil sa parents ko. Kumbaga, I want to create my own identity. I'm here because I love to perform. Sumali po ako ng StarStruck like everybody else. Pumila po ako. Lahat ng challenges po pinagdaanan ko po kagaya ng lahat po sa amin.... So, pantay-pantay po kami," pagtatanggol ni Enzo sa kanyang sarili.

IAN & ROCCO. Among the StarStruck V contenders, sina Ian at Rocco ang masasabing pinaka-outspoken sa opinyon nila na maaaring gamitin ni Enzo ang pagiging mayaman niya para magtagal sa competition. Ano ang masasabi ni Enzo rito?

"For me, I respect their opinion. I don't take it against them dahil sila po yun, e. Kanya-kanya pong... Lahat po ng tao may sariling opinion. You just have to reflect on things. Pero kilala mo naman ang sarili mo, kilala mo ang pamilya mo. And hindi po ako affected dun dahil alam ko yung pamilya ko," sagot niya.

Pero hindi ba siya kinausap o hindi ba niya nilapitan sina Ian at Rocco tungkol dito?

"Hindi ko po sila nakakausap about it. Even though we're good friends, alam po nila na..."

May sama ba siya ng loob kina Ian at Rocco?

"Wala po akong sama ng loob sa kanila," paglilinaw ni Enzo. "Pero for me, it's another challenge in life. May mga dating artista, let's say na anak ng presidente, ganun din po yung pinagdaanan niya. And now she's very successful. So it's just another challenge in life, so you always have to be positive lang. You don't have to take it against them dahil it's their opinion. So, kumbaga, gawin mo na lang sa mga performances mo, parang to show that you are worthy in being an artista."

Hindi ba siya mas lalong nahihirapan dahil alam na niya kung sino ang kumakalaban sa kanya?

"Actually, lahat po ng guys, competitive. During challenges, nakikita ko po they're really trying their best as well. Lahat po kami. Pero at the end of the day, kahit anong mangyari, magkaibigan pa rin po kami.

"So, para sa akin, hindi naman siya pressure dahil gusto ko po yung ginagawa ko. I know na may mas magaling sa akin, sa singing or acting. Pero I'm concentrating on myself because I want to improve. I don't compare myself to others because we are all different. Parang I don't have to be somebody else because being yourself makes you different already. I just have to be focused on my purpose and goal."

Sino ba ang pinaka-close niya sa StarStruck?

"Closest po? Actually, lahat po kami nagkaroon na ng moments namin. So, parang moments in terms sa nakapag-usap ng personally, we know each other. So, lahat po kami close."

Pero sino yung pinakamalapit talaga sa kanya?

"Siguro si Ian at Rocco," sagot ni Enzo. "Kahit, let's say kay Rocco, competitors kami, lumalabas kami, we still go out, eat. Lahat kami, parang magbarkada kami sa StarStruck."

Galing na rin mismo kay Enzo na lumalabas sila nina Ian at Rocco, pero bakit hindi nila napapag-usapan yung saloobin nila sa isa't isa?

Matagal bago nakasagot si Enzo. Nang makapagsalita na siya, ito ang naging pahayag niya: "Hindi na lang po namin pinag-uusapan dahil parang we respect each other's opinion and magkaibigan kami. So, hindi naman po magkakaroon ng gulo dahil personally, I respect their opinion kahit po yung mga sinasabi.

"It's a competition po. Kailangan maging competitive ka talaga. Ipakita mo. So I don't really take it against them. Kahit sinasabi nilang ganun, 'mayaman', for me, it's just a challenge. Yun. Parang it's not a big deal because alam ko naman yung totoo, e. Yung pamilya ko ipinanganak as good Christians, hindi po namin gagawin 'yan. Kung pag-usapan man or not, hindi po masakit sa loob ko yun dahil alam ko na we're good persons."

ENZO IS IMPROVING. Hindi ba napapagod si Enzo sa araw-araw nilang schedule sa StarStruck V?

"Para sa akin, hindi po. Mahirap maging artista, pero ano siya, worth it talaga. Dahil sa mga fans, naniniwala sa 'yo. And, of course, you really have to love what you're doing. For me, nandito ako dahil passion ko talaga. I love to perform. Even though I know some of my talents are raw pa, there's always room for improvement. Pero it's an ongoing process talaga. So, masaya ako," sabi niya.

These past few weeks ng competition ay napapansin ng StarStruck Council members na sina Lolit Solis, Iza Calzado, at Floy Quintos ang improvement ni Enzo sa challenges. Ayon nga kay Direk Floy, nagiging threat na siya sa ibang survivors, partikular na kay Rocco na siyang madalas makakuha ng award.

Ano ang reaksiyon dito ni Enzo?

"Happy ako na nakikita nila yung improvement ko because I've been really working hard to improve," sabi niya. "Hindi lang po si Rocco ang benchmark ko, but also yung other artists like Dingdong Dantes. For me personally, kahit after StarStruck, hindi pa tapos yung pangarap ko. I want to be one of the great artists someday na all-around performer. So, kahit after StarStruck, parang there is always room for improvement."

When you say na si Rocco yung benchmark mo, does it mean na si Rocco rin ang toughest competitor mo?

"Yes. Siya yung toughest competitor ko. So, I have to be better and always improving," sagot niya.

What about Ian and Steven?

"For me, they're also improving talaga."

Do you also see them as tough competitors?

"They are tough competitors. Pero si Rocco po yung nanalo ng award, medyo it shows na he is the one working harder."

Two weeks ago ay nalagay na rin sa bingit ng elimination si Enzo nang silang dalawa ni Piero Vergara ang naiwan. Pero sa huli ay nakaligtas si Enzo at si Piero ang natanggal. Ano ang naramdaman ni Enzo noong pagkakataong 'yon?

"Of course, sobrang kinabahan ako," sambit niya. "Expected ko po talagang mapupunta ako sa bottom two. Because from what I read sa mga thread sa Internet, na ako po yung gusto nila i-out. For some reason na rich kid daw ako. I know na hindi naman mawawala yung issue na ganun, but I just have to... It's their opinion... It's negative on their part na ganun. Pero for me, wala po sa pagkatao ko na magalit or ano. I just take things on a positive side. Dahil wala naman pong mangyayari if magalit ka or ano... Kailangan pinapakita mo sa tao na worthy ka into being an artista or in StarStruck."

So far, ano yung pinakamahirap na challenge na na-encounter niya sa StarStruck V?

"For me, singing talaga," sagot niya.

Bakit siya ang deserving maging Ultimate Male Survivor?

"First, I'm really sobrang working hard to improve myself. Not just to win. Para sa akin po, ang manalo is bonus na lang po sa lahat ng efforts ko. But, of course, sino pong hindi gustong manalo? After, if manalo ako, sobrang blessed ako at the same time, I get more chances into show business to show yung iba ko pang talents. Like someday, I wanna be a singer slash dancer. Pero for now, I really have to concentrate on my singing. Kasi beginner pa lang po ako sa singing," sabi ni Enzo.


CREDITS TO: http://www.pep.ph/news/24456/StarStruck-V-finalist-Enzo-Pineda-reacts-to-intrigue-that-his-family%27s-wealth-is-the-only-reason-he%27s-still-in-the-competition/1/1