Enzo Pineda's Official Facebook Fanpage Fan Box

Enzo Pineda on Facebook

Wednesday, February 10, 2010

[ARTICLE] Top 8 survivors sinagot ang mga fans

Top 8 survivors sinagot ang mga fans

iGMA.tv gave fans of ‘StarStruck V’ a chance para magtanong ng sarili nilang questions sa natitirang mga contestants ng show. Nang harapin ng contenders ang press last Wednesday, January 20, sa isang pocket press conference, hinarap rin nila ang mga katanungan ng fans nila. Ano ang mga naging sagot nila? Alamin.

stars


The first question is for Diva Montelaba; tanong ni James Jam, “sa tingin mo, dapat bang makaapekto sa morale ng isang contender ang negative comments ng Council?”

Diva answers, “I think morale is a very heavy word.” Para sa dalaga, hindi naman daw kaligayahan ng Council ang magbigay ng negative comment sa isang contender. “As what they always say, gusto nilang i-bring out ‘yung best ng isang survivor. So ‘yung pagbibigay ng negative comments, binibigay nila to affect us in a positive way—for us to improve, and to give our best.”

Dagdag ni Diva, helpful nga raw sa kanya ang comments ng Council, negative man or positive. “Nakakatulong po talaga siya; kasi ako, super madaling maapektuhan. Pero pag naririnig ko ‘yung comments nila, nafi-feel ko na at least napapansin [ako].” So to answer the question, Diva says, “hindi dapat makaapekto sa morale ng isang survivor [ang comments] ng Council, [dahil] nakaka-improve siya [at] nakatutulong ng sobra.”

Ang tanong naman for Enzo Pineda comes from Godwyn Tan; he asks, “kampante ka na ba na manalo kapag natangal si Rocco [Nacino], na sa tingin mo na wala sa iyong binatbat sina Ian [Batherson] at Steven [Silva]?”

Enzo is quick to defend na hindi siya magiging kampante even if Rocco does get eliminated. “Hindi lang po manalo sa StarStruck ang goal ko,” he reveals to us. “I want to be a great artista some day.”

Sa isa sa mga ShoutOuts nila, nabanggit ni Enzo na si Rocco ang benchmark na gusto niyang lampasan sa competition. Pero nilinaw ni Enzo na that doesn’t mean si Rocco lang ang nakikita niyang threat sa StarStruck V, because “it does not stop there.” He explains na “‘yung pagiging artista, ongoing purpose siya. Let’s say [na] magiging successful po ako someday, of course I will [still] try to push myself more. It does not stop pag nasa peak ka na, [or] nasa prime ka na ng pagiging artista mo. You have to maintain it.” He adds, “kailangan talaga discipline, focus—at hindi lang short-term goals.”

So to clarify, hindi minamaliit ni Enzo sina Ian and Steven—si Rocco lang ang naging benchmark niya dahil ito ang laging nakikitang nage-excel sa kanilang mga challenges.

stars


The third question goes to Nina Kodaka. Prince Jhervy Espiritu wanted to know, “how can you be an action star if kulang ka sa energy? What are the things na pwede mong gawin to improve in that field, na laging kini-question sa iyo ng mga co-StarStruck contenders mo and the Council as well?”

Ang sagot ni Nina, “kasi ‘yung action movies po, para sa akin, parang sumasayaw sila.”

At dahil nga pareho para kay Nina ang action sequences at dance numbers, ang plano niya ay, “iisipin ko na lang sumasyaw ako. Kasi pag sa sayaw, medyo bumibilis ako ng kaunti kaysa sa normal.”

For the next question, Ianatic Khyle wants to ask his idol Ian Batherson: “Hanggang ngayon kasi kinukwestyon pa rin ng mga manunuod at ng StarStruck Council ang talento mo. Sa tingin mo Ian, ano pa ang dapat mong ipakita, gawin o patunayan upang masabi nila na meron kang talento, at kaya mong umangat sa industriyang ito?”

“Marami pa akong ibang ma-o-offer sa Council,” Ian assures his fan. “Pero hindi ko talaga ipinakikita yet.” Ian says na para sa kanya, he’s okay-rounded when it comes to talent. “You know what I mean? Hindi [ako] magaling sa lahat, pero okay lang sa lahat. [And] kung okay ka sa lahat, puwede ka pang mag-improve.” Ian says he’s a very fast learner, citing his Tagalog as an example. “Nandito pa lang ako sa Pilipinas ng five months or so, tapos nakakapag-usap na ako in Tagalog. Pero nung bagong dating ako, hindi ako marunong magsalita [in Tagalog], English lang.”

He teases na this Sunday, he’ll be showing off a different set of skills from the ones he has already show. “I’m a very athletic person,” Ian tells us, and he hopes na makita ‘yun ng Council sa kanyang performance this Sunday. “I think there’s hope for me. And to answer Khyle’s question, I’ll show [the Council] something different, and [hopefully] they’ll appreciate it. I hope that answers the question.”

stars


The next StarStruck contender to face a fan question is Rox Montealegre. Tanong ni James Jam, “dapat bang may weight sa council ang attitude ng isang contestant, o mas matimbang [ba dapat] ang star potential at star quality?”

Ang sagot ni Rox, “for me, balanced lahat; feeling ko, equal lang lahat ‘yun.”

“Yung star quality, ‘yung talent, ‘yung talino, ‘yung attitude—lahat [yun], it makes the person whole.” Rox clarifies na hindi puwedeng ma-quantify na dapat more on star quality ang paboran ng Council. “Ano yun? More on looks but less on attitude?” She adds na hindi puwedeng bigyan ng mas maraming importance ang isang factor over the other, “kasi it makes the person whole.” She adds pa na, “too much of everything is bad, ‘di ba? So laging in the middle.”

Rocco Nacino gets a hot question from Prince Jhervy Espiritu, who wanted to know: “Do you believe that your fan base is talagang mababa and those awards lang ‘yung naging dahilan why you stayed in the competition? That means hindi ka mabenta sa public, as per Direk Floy said in the one of the ShoutOuts.”

Rocco replies, “Unang-una, thank you kay Prince Jhervy Espiritu for that question.” He then answers, “siguro like one fan told me sa Facebook, it’s a possibility na iniisip ng fans ko na: ‘Uy, si Rocco kaya naman niya ‘yan. We believe in Rocco, kayang-kaya niya siguro umabot sa Final 4 without our help.’ Siguro naging kampante ang mga fans, iniisip nila na: ‘Siguro hindi na natin kailangan iboto si Rocco, siguro ‘yung mga underdog na lang iboto natin.’”

Rocco says that maybe, “just maybe, that’s the reason kung bakit mababa ‘yung votes ko. Kaya ngayon, nananawagan ako sa mga fans ko, ‘yung mga supporters ko, if ever totoo nga ‘yun, ‘wag maging kampante. Kasi malaking portion din talaga ‘yung text votes. So hinihingi ko rin talaga ‘yung tulong nila.”

stars


Forward-thinking naman ang question ni James Jam para kay Sarah Lahbati; he wanted to know, “sino ang gusto mong makatapat sa Final Judgment sakaling makapasok ka sa Final 4? Gusto mo bang may ka-loveteam o gusto mo na solo kang i-build up as an artist?”

For the first question, Sarah says she wants to face Nina Kodaka in the Final Judgment. Pero inamin rin niyang mahirap na talagang pumili ngayon.

Sa second question naman, Sarah answers, “for me naman po, kung ano ang ibigay sa akin, may love team o wala, tatanggapin ko po ng buong-buo. Pero siyempre mas gusto ko pong may love team mag-start, para hindi po ako mag-isa, para po magtulungan po kami. So parang masanay muna po ako sa showbiz. And then, kung bigyan ako ng kung ano mang projects na mag-isa lang ako, or love team, okay lang po sa akin. Tatanggapin ko po.”

Ang last question, for Steven Silva, ay may bahid ng pangiintriga. Boomboomer Cruz asked, “Sino sa tingin mo ‘yung not deserving to be in the Final 8 and why?”

Steven says every one in the Top 8 are really deserving. “Lahat kaming contestants, we went through so many cycles like Top 100, Top 60—” More pa nga raw, he adds, sa kanilang mga nanggaling sa Regional auditions. “So I think, everybody here have a chance, and they’re really deserving, kasi they went through so much.”

He does let slip na before, “there were some people na maybe, hindi deserving, pero maybe StarStruck’s not for them?” But ang bottom line niya, “ang lahat dito sa StarStruck really deserving, kasi we went through so much to be here.”

Satisfied ba kayo sa mga sagot nila? We’ll give you guys another chance to ask your questions again—though the iGMA Forum naman! Not yet a member? Register here!

Palapit na ng palapit ang Final Judgment ng StarStruck V! Kaya don’t miss the daily happenings sa kanilang quest to be the next Ultimate Survivors every day sa StarStruck ShoutOut. Catch it before Eat Bulaga, after Kaya Kong Abutin ang Langit and after Full House.

At siyempre pa, don’t miss the weekly round-up of what happened every Saturday pagkatapos ng Pinoy Records, and the elimination night on Sunday, pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories.

Vote to keep your choice survivor in the running! Just text STARSTRUCK (space) NAME OF CONTESTANT and send to 2344 for Globe, TM and Sun subscribers, and 367 for Smart and Talk N’ Text users. Each vote costs PhP2.00 for Sun subscribers and PhP2.50 for other networks. (This service is exclusive for the Philippines only.)

Or you can also vote through the website StarStruck.TV. — iGMA.tv


CREDITS TO: http://blogs.igma.tv/starstruck/2010/01/22/top-8-survivors-sinagot-ang-mga-fans/

No comments:

Post a Comment