-MY PRIVILEGE SPEECH-
November 15,2009 kasagsagan to ng laban ni Manny Pacquiao at Miguel Cotto. 12NN nung biglang icommercial sa GMA-7 ang pilot episode ng StarStruck V. Eto daw ang biggest season ng StarStruck. Then kinagabihan ayun napanuod ko ang Pilot Episode. Pinakita ang libo libong nag audition. Libo libong nangarap na galing sa iba't ibang sulok ng mundo na magkakalapit lapit ng dahil lamang sa programang ito. Sa Pilot Episode napili ang Top 100 hopefuls. Dito ay una kong napansin ang isang Japinay Beauty na sumayaw ng Nobody sa Japan. At sya ay si Nina Kodaka. Sinabi ko na hindi ko bibitawan ang babaeng to hanggang Final 4. At maya maya ipinakita ang mga lalaking pasok sa Top 100. May isang contender na nakakuha ng atensyon ko. Siya yung laging nakangiti, siya yung cheerful, sya yung may positive outlook sa talent search na ito at sya yung makikita at mararamdaman mo yung determinasyon sa una pa lang, at ito ay si Enrico Lorenzo Pineda. ENZO kung tawagin.
Sa sumunod na episode na napanuod ko ay napili ang Top 30 at nakapasok nga sina Enzo Pineda at Nina Kodaka. Masayang masaya ako na napili sila sa tatlumpung masuswerteng nag auditon para sa StarStruck. Kinabukasan ay nabawasan sila ng dalawa at naging 28 na lamang. Sa unang episode ng StarStruck Shout Out, dito lagi ko ng napapansin si Enzo. Talagang may ibubuga. Hindi sya nagpapahuli. Natatawa lang ako sa isang episode kung saan may make up session sila. Siya yung contender na palatanong. Hindi ko alam kung nagpapansin ba sya, nangungulit o talagang curious lang sa gagawin nya. Dito mas lalo akong nagkainteres sa taong to. Natatawa ako pag nakikita ko sya dahil dun sa pagtatanong nya kay Ms. Barbie. Naalala ko isang beses napapagpalit ko pa ang mukha nila ng isa sa kanyang co-survivor na kapareha nyang may ENRICO sa pangalan. At sya ay si Rocco Nacino. Sa sumunod na episode ng StarStruck, ang gabi bago iannounce ang Final 14, isa isang humarap ang Top 28 sa council. Dito ko mas lalong nakilala si Enzo Pineda. Laking gulat ko ng malaman ko na sya ay anak ng Manager ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Bakas sa mukha nya na gusto nya na gumawa ng sariling pangalan sa industriya ng Show Business, kahit na hindi naging madali sa kanya ang pagpila at paghihintay para matawag ang kanyang pangalan kung sya ba ay pasok o hindi. At kinabukasan, ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang Final 14 Announcement. Isang mahalagang anunsyo na babago sa takbo ng buhay ng nalalabing dalawampu't walong nangangarap na maging artista. May apat ng naunang bahagi ng Final 14. Kampante ako na makakapasok ang dalawa kong paboritong survivors na sina Nina at Enzo. At sa pagkakataong ito, sa 2nd batch ng mga kasama sa Final 14. natawag ang pangalan nina Enzo Pineda at Nina Kodaka. Ang bagay na nagpasaya sa akin at ang dahilan ng pagsuporta ko sa programang StarStruck V.
Matapos ang naturang programa ay dali dali akong nag log-on sa PinoyExchange.com, isang website para sa pakikipagpalitan ng opinyon at pala-palagay ng mga Pilipino, gamit ang aking account. Dito ay gumawa ako ng thread para kay Enzo Pineda. Nung una ay nag aalinlangan pa ako na simulan ang pagtatayo ng fanbase para kay Enzo at thread para sa kanya. Naisip ko na baka walang sumuporta sa akin sa paggawa ko ng thread na ito. Naisip ko na baka walang nakakakilala sa kanya. At naisip ko rin na baka mapag iwanan lang ang thread na ito kung sakaling gagawa ako dahil sa aking busy academic schedule. At eto na nga, buong tapang kong pinagmalaki ang survivor na may pinakaunang thread sa PEx at yun ay si Enzo Pineda. Kinabukasan, marami ng nagpost sa thread. Mga sumusuporta kay Enzo. Mga fans nya. At dito ay naisipan ni Sed ang pangalan ng grupong lubos na sumusuporta kay Enzo Pineda at ito ay tinawag na ENZOpporters. Sabi nung iba parang hindi daw magandang pakinggan. Sabi ko naman sa sarili ko, nasa tao yan kung paano magsisink in sa kanya yung pangalan ng fanbase. Talagang ipinagmamalaki ko sya sa mga kaibigan ko, sa mga kamag-anak at magulang ko. Sabi ko na wala syang ibang katulad. Walang wala! Nasa kanya na ang lahat ng bagay na hinahanap ng isang babae para sa kanyang PERFECT MATCH. At nasa kanya na ang MATINEE IDOL FIGURE na hinahanap ng isang lalaki.
Nang makita ko sa facebook ang kanyang real account, dali dali ko syang in-add. At ilang araw lang ay inaccept na nya ako. Dito ay naisipan ko rin na gumawa ng fanpage para sa kanya. Nagulat ako dahil ilang minuto lang ang nakalipas, mayroon na agad syang 66 fans. At hanggang sa dumami na ito hanggang sa kasalukuyang bilang nito na umabot sa 8000+ na dadami pa sa mga susunod na araw. Ilang araw lang ay naaabutan kong online sa facebook chat si Enzo. Dito ay kinausap ko sya. Nagkamustahan at hanggang sa ipinakilala ko sa kanya ang akong sinimulang fanbase, ang ENZOpporters. Dito inaya ko sya dumalaw minsa sa kanyang thread dahil sa marami syang fans dito. At hindi nga ito nagdalawang isip na gawin ito dahil makalipas ang isang linggo ay may account na agad sya sa PEx. At ang nakakatuwa pa sa aking pagiging isang ENZOpporter ay nagpost sya sa wall ko sa facebook ng "HAOOY BIRTHDAY" nung birthday ko. Nagkamali man sa pagtype ay sobrang napasaya ako ni Enzo dahil alam nyang birthday ko at binati nya pa ako. Kinabukasan, sa isang episode ng StarStruck Shout Out, nabanggit nya ang ENZOpporters. Akala ko nagkamali lang ako ng dinig yun pala ay binanggit nya talaga ang fanbase nya. dECEMBER 10,2009 ng aking inanunsyo sa thread ang pagiging OFFICIAL ng ENZOpporters BILANG FANBASE NI ENZO PINEDA. Sa pagdaan ng mga araw, naging bahagi ng buhay ko ang araw araw na panunuod ng StarStruck Shout Out. Nag iisang bagay na hinding hindi ko malilimutan ay ang pagka-cutiing classes ko makapanuod lang ng StarStruck Shout Out at makita lang sio Enzo Pineda.
Hanggang sa dumami ang ENZOpporters, mapa-facebook man, mapa-PEx o kahit ang mga non-onliner ENZOpporters na laging sumusuporta kay Enzo ay dumami. Sinasabing isa rin si Enzo sa may pinakamalaking fanbase sa StarStruck. Dahil dito ay talaga nafa-flatter ako at naappreciate niya lahat ng mga sakripisyo namin para sa fanbase nya. Kasabay ng pagdami ng ENZOpporters ang pagdami ng sub-fanbase names, Nariyan ang ENZOMNIACS, ENZOMANIA, ENZSARAH, ENZOFORCE, ENZOCO at ENZO UNLIMITED. Silang lahat na todo todo ang suporta na binibigay lagi kay Enzo. Hindi nila hinahayaang mapag iwanan si Enzo. Bagkus ay sumasabay pa ang ENZOpporters sa pagsisikap ni Enzo para sa kanyang pangarap, sumasabay na nagsusumikap para tulungan at suportahan ang nag iisang ENZO PINEDA.
Maraming isyu na kinaharap. Maraming bahsers ang kinalaban ng ENZOpporters, maging si Enzo. At hindi pa nakuntento ang iba ay idinawit ang magandang pangalan at reputasyon ng mga magulang ni Enzo. Hindi kailanman naging kasalanan ang ipanganak kang mayaman. Hindi kailanman binuksan ang isang reality television seach para sa mga kapus palad. Ito ay bukas para sa lahat. Lahat na nagnanais matamo ang lahat ng kanilang pangarap sa buhay. Lahat ng mga balakid na ito ay sama samang hinarap ni Enzo kasama ang kanyang mga taga hanga ng buong tapang at buong lakas. Hindi sya nagpaapekto sa mga masamang bwelta ng iba, kahit na ilan sa mga co-survivor nya na nagsalita laban sa kanya. Nagpakababang loob na lamang si Enzo para mapanatili ang magandang samahan niya sa kapwa nya survivors. Ipinakita nya ang kanyang lubos na pagsusumikap na mapatunay sa lahat na karapat dapat syang makatanggap ng isang nag uumapaw na suporta mula sa lahat ng taong labis na humahanga, sumusuporta, umiidolo at nagmamahal sa kanya. Ang tapang at tatag sa gitna ng mga kontrobersiya na ibinabato sa kanya ay ang mga bagay na dapat na gayahin ng isang kabataan. Isang mabuting ehemplo para sa mga taong nais maliwanagan sa buhay si Enzo Pineda.
Pamilya ng mga mabubuti ang Pineda Family. Itinuring nilang Kapamilya, Kapuso, Kabarkada ang lahat ng ENZOpporters. Sila na laging pinupunterya ng mga bashers. At katulad ni Enzo, hindi sila nagpapaapekto at nananatiling matatag para sa kanilang anak at para sa ENZOpporters. Ang mga magulang ni Enzo Pineda, Tito Eric at Tita Macy, mga nagsilbing mga magulang naming ENZOpporters. Sila ang nagturo sa amin tungkol sa tunay na kulay ng buhay at lahat ng mga mahahalagang bagay na ibinabahagi sa amin ng lahat ng tao na nasa paligid namin. Nakita ko sa kanila ang kanilang pagsusumikap na tulungan ang kanilang anak sa gitna ng pinagdaraanan nitong pagsubok sa larangang pinasok nito. Suportado sila sa pangarap ng kanilang anak. Kaya naman bakas sa pagkato ng isang Enzo Pineda ang isang taong likas na mabuti, may pinag aralan at isang taong napalaki ng tama.
At sa nagdaang Final Judgment, inakala namin sya na ang Ultimate Male Survivor, ngunit mali ang dikta ng aming konsensya dahil taliwas ito sa dikta ng tadhana. Si Enzo Pineda ang bagong First Prince ng StarStruck. Kaya sa tagumpay nyang ito, nais ko syang pasalamatan sa lahat. Enzo, ngayong nag uumpisa na ang iyong tunay na laban, wag kang makakalimot na itapak ang iyong mga paa sa lupa. Huwag na huwag kang mawawalan ng pag asa at huwag na huwag mong kakalimutan ang mga taong naging bahagi ng buhay mo sa likod ng iyong pagsusumikap para sa katuparan ng iyong pangarap. At salamat sa pagtuturo mo sa aming lahat ukol sa pagpapahalaga sa Poong Maykapal. Enzo, ito na marahil ang isa sa mga matatamis na karangalang natanggap mo. Lagi mong itanim sa iyong isipan na lagi kang may ENZOpporters na hindi ka iiwan. Mga ENZOpporters na laging magbibigay ng isang nag uumapaw na suporta sa lahat ng bagay na iyong gagawin. Nawa'y gabayan ka ng Panginoon sa iyong laban sa buhay ng industriya ng Show Business. Magiging habambuhay akong Proud at Certified ENZOpporter. Hinding hindi ako nagkamali at nagsisi sa pagsuporta sayo. Maraming salamat Enzo. Dahil sa iyo, may mga taong nagkalapit lapit at naging mga tunay na magakakaibigan na nagdadamayan sa kahit na anong oras, katuwaan man o kalungkutan. Mga taong may nag iisang iniidolo at pangalang isinisigaw...
MABUHAY KA ENZO PINEDA! IKAW PA RIN ANG AMING ULTIMATE SURVIVOR!~^
Jhayr Jabon.
True Blue ENZOpporter

No comments:
Post a Comment