Enzo Pineda's Official Facebook Fanpage Fan Box

Enzo Pineda on Facebook

Wednesday, February 10, 2010

[ARTICLE]StarStruck V finalist Enzo Pineda reacts to intrigue that his family's wealth is the only reason he's still in the competition


StarStruck V finalist Enzo Pineda reacts to intrigue that his family's wealth is the only reason he's still in the competition

Erwin Santiago

Thursday, January 21, 2010
04:49 PM

Isa sa ibinabatong intriga sa StarStruck V finalist na si Enzo Pineda ay ang yaman ng pamilya niya, na siya diumanong dahilan kaya hindi pa siya natatanggal sa competition. Si Enzo ay anak ng business manager ni Manny Pacquiao na si Eric Pineda. Hindi naman kaila na kaakibat ng bawat boxing match at endorsement ni Pacman ay may bahagi rito ang ama ni Enzo bilang business manager ng Pambansang Kamao.

Ang tungkol dito ang isa sa mga itinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Enzo sa pocket presscon na ipinatawag ng GMA-7 para sa natitirang walong contenders ng StarStruck V kahapon, January 20, sa 17th floor ng GMA Network Center. Bukod kay Enzo, nasa competition pa rin sina Ian Batherson, Rocco Nacino, Steven Silva, Nina Kodaka, Sarah Lahbati, Rox Montealegre at Diva Montelaba.

Ano ang tunay na nararamdaman ni Enzo kapag naririnig niya ang intriga na dahil lang sa impluwensiya at yaman ng kanyang pamilya kaya siya tumatagal sa StarStruck V?

"For me, it's their opinion," sagot ng 19-year-old showbiz hopeful. "Siguro sa umpisa po, parang, 'Bakit ganun?' Pero, I just have to reflect on things dahil alam ko di naman ganun ang pamilya ko. We're good Christians. But I can't deny na tinutulungan po ako ng buong pamilya ko. Maybe through networking lang or through friends, which I really appreciate. Kasi lahat po kami [sa StarStruck V], tinutulungan talaga ng pamilya namin. We can't help it also."

Pero siya raw kasi ang pinakamayaman sa mga contestant, at dahil 50 percent ng votes ay mula sa text votes, malaking advantage ang pagiging mayaman niya.

"Hindi naman po based sa money, e. Nandito po ako hindi po dahil sa parents ko. Kumbaga, I want to create my own identity. I'm here because I love to perform. Sumali po ako ng StarStruck like everybody else. Pumila po ako. Lahat ng challenges po pinagdaanan ko po kagaya ng lahat po sa amin.... So, pantay-pantay po kami," pagtatanggol ni Enzo sa kanyang sarili.

IAN & ROCCO. Among the StarStruck V contenders, sina Ian at Rocco ang masasabing pinaka-outspoken sa opinyon nila na maaaring gamitin ni Enzo ang pagiging mayaman niya para magtagal sa competition. Ano ang masasabi ni Enzo rito?

"For me, I respect their opinion. I don't take it against them dahil sila po yun, e. Kanya-kanya pong... Lahat po ng tao may sariling opinion. You just have to reflect on things. Pero kilala mo naman ang sarili mo, kilala mo ang pamilya mo. And hindi po ako affected dun dahil alam ko yung pamilya ko," sagot niya.

Pero hindi ba siya kinausap o hindi ba niya nilapitan sina Ian at Rocco tungkol dito?

"Hindi ko po sila nakakausap about it. Even though we're good friends, alam po nila na..."

May sama ba siya ng loob kina Ian at Rocco?

"Wala po akong sama ng loob sa kanila," paglilinaw ni Enzo. "Pero for me, it's another challenge in life. May mga dating artista, let's say na anak ng presidente, ganun din po yung pinagdaanan niya. And now she's very successful. So it's just another challenge in life, so you always have to be positive lang. You don't have to take it against them dahil it's their opinion. So, kumbaga, gawin mo na lang sa mga performances mo, parang to show that you are worthy in being an artista."

Hindi ba siya mas lalong nahihirapan dahil alam na niya kung sino ang kumakalaban sa kanya?

"Actually, lahat po ng guys, competitive. During challenges, nakikita ko po they're really trying their best as well. Lahat po kami. Pero at the end of the day, kahit anong mangyari, magkaibigan pa rin po kami.

"So, para sa akin, hindi naman siya pressure dahil gusto ko po yung ginagawa ko. I know na may mas magaling sa akin, sa singing or acting. Pero I'm concentrating on myself because I want to improve. I don't compare myself to others because we are all different. Parang I don't have to be somebody else because being yourself makes you different already. I just have to be focused on my purpose and goal."

Sino ba ang pinaka-close niya sa StarStruck?

"Closest po? Actually, lahat po kami nagkaroon na ng moments namin. So, parang moments in terms sa nakapag-usap ng personally, we know each other. So, lahat po kami close."

Pero sino yung pinakamalapit talaga sa kanya?

"Siguro si Ian at Rocco," sagot ni Enzo. "Kahit, let's say kay Rocco, competitors kami, lumalabas kami, we still go out, eat. Lahat kami, parang magbarkada kami sa StarStruck."

Galing na rin mismo kay Enzo na lumalabas sila nina Ian at Rocco, pero bakit hindi nila napapag-usapan yung saloobin nila sa isa't isa?

Matagal bago nakasagot si Enzo. Nang makapagsalita na siya, ito ang naging pahayag niya: "Hindi na lang po namin pinag-uusapan dahil parang we respect each other's opinion and magkaibigan kami. So, hindi naman po magkakaroon ng gulo dahil personally, I respect their opinion kahit po yung mga sinasabi.

"It's a competition po. Kailangan maging competitive ka talaga. Ipakita mo. So I don't really take it against them. Kahit sinasabi nilang ganun, 'mayaman', for me, it's just a challenge. Yun. Parang it's not a big deal because alam ko naman yung totoo, e. Yung pamilya ko ipinanganak as good Christians, hindi po namin gagawin 'yan. Kung pag-usapan man or not, hindi po masakit sa loob ko yun dahil alam ko na we're good persons."

ENZO IS IMPROVING. Hindi ba napapagod si Enzo sa araw-araw nilang schedule sa StarStruck V?

"Para sa akin, hindi po. Mahirap maging artista, pero ano siya, worth it talaga. Dahil sa mga fans, naniniwala sa 'yo. And, of course, you really have to love what you're doing. For me, nandito ako dahil passion ko talaga. I love to perform. Even though I know some of my talents are raw pa, there's always room for improvement. Pero it's an ongoing process talaga. So, masaya ako," sabi niya.

These past few weeks ng competition ay napapansin ng StarStruck Council members na sina Lolit Solis, Iza Calzado, at Floy Quintos ang improvement ni Enzo sa challenges. Ayon nga kay Direk Floy, nagiging threat na siya sa ibang survivors, partikular na kay Rocco na siyang madalas makakuha ng award.

Ano ang reaksiyon dito ni Enzo?

"Happy ako na nakikita nila yung improvement ko because I've been really working hard to improve," sabi niya. "Hindi lang po si Rocco ang benchmark ko, but also yung other artists like Dingdong Dantes. For me personally, kahit after StarStruck, hindi pa tapos yung pangarap ko. I want to be one of the great artists someday na all-around performer. So, kahit after StarStruck, parang there is always room for improvement."

When you say na si Rocco yung benchmark mo, does it mean na si Rocco rin ang toughest competitor mo?

"Yes. Siya yung toughest competitor ko. So, I have to be better and always improving," sagot niya.

What about Ian and Steven?

"For me, they're also improving talaga."

Do you also see them as tough competitors?

"They are tough competitors. Pero si Rocco po yung nanalo ng award, medyo it shows na he is the one working harder."

Two weeks ago ay nalagay na rin sa bingit ng elimination si Enzo nang silang dalawa ni Piero Vergara ang naiwan. Pero sa huli ay nakaligtas si Enzo at si Piero ang natanggal. Ano ang naramdaman ni Enzo noong pagkakataong 'yon?

"Of course, sobrang kinabahan ako," sambit niya. "Expected ko po talagang mapupunta ako sa bottom two. Because from what I read sa mga thread sa Internet, na ako po yung gusto nila i-out. For some reason na rich kid daw ako. I know na hindi naman mawawala yung issue na ganun, but I just have to... It's their opinion... It's negative on their part na ganun. Pero for me, wala po sa pagkatao ko na magalit or ano. I just take things on a positive side. Dahil wala naman pong mangyayari if magalit ka or ano... Kailangan pinapakita mo sa tao na worthy ka into being an artista or in StarStruck."

So far, ano yung pinakamahirap na challenge na na-encounter niya sa StarStruck V?

"For me, singing talaga," sagot niya.

Bakit siya ang deserving maging Ultimate Male Survivor?

"First, I'm really sobrang working hard to improve myself. Not just to win. Para sa akin po, ang manalo is bonus na lang po sa lahat ng efforts ko. But, of course, sino pong hindi gustong manalo? After, if manalo ako, sobrang blessed ako at the same time, I get more chances into show business to show yung iba ko pang talents. Like someday, I wanna be a singer slash dancer. Pero for now, I really have to concentrate on my singing. Kasi beginner pa lang po ako sa singing," sabi ni Enzo.


CREDITS TO: http://www.pep.ph/news/24456/StarStruck-V-finalist-Enzo-Pineda-reacts-to-intrigue-that-his-family%27s-wealth-is-the-only-reason-he%27s-still-in-the-competition/1/1

No comments:

Post a Comment