No wonder, hindi pa rin makapaniwala si Steven na siya ang Ultimate Male Survivor na nag-take home ng P1.5 M at GMA contract worth P3.5M, huh!
Sa elimination kasi, namayagpag si Rocco sa talent. Nagpakita pa siya ng katawan sa final number niya, pero second prince lang ang napanalunan niya. Si Enzo naman, first prince ang titulong nakuha.
Pero si Sarah, liyamado talaga kay Diva Montelaba.
“Nu’ng nasa stage kami ni Diva, nag-usap kami na kahit anong mangyari, friends pa rin kami. Nang i-announce na ang winner, hindi namin agad na-gets. Sabi niya, ‘Ikaw! Ikaw!’ Sagot ko, ‘Ako?’ Nang malaman ko, sobrang thankful ako,” pahayag ni Sarah.
Sa mga finalists, tanging si Sarah lang ang kumanta nang live sa number niya.
“Sinabihan kasi akong mag-live! Minsan din kasi, mas magandang mag-take ng risk! Kailangan din kasing mag-try ng iba at hindi laging ganoon palagi,” paliwanag niya.
Sa palagay niya, nakatulong ‘yung number niya sa panalo niya?
“Siguro po, pero nakatulong din ang text votes ng mga magulang ko. Ako naman, sa Facebook,” sabi niya.
Pero kahit big winner si Sarah, hindi pa rin niya kakalimutan ang pangako kay Diva na bibigyan niya ito ng balato.
***
Aware si Enzo Pineda na malakas sa text votes si Steven Silva na malaking factor sa panalo nito bilang Ultimale Male Survivor. Pero may paliwanag ang 2nd Prince sa balitang ginastusan siya ng magulang niya sa text para manalo ng grand title, na hindi naman nangyari.
“I came here because of my parents. Pinatunayan ko sa tao na hindi ko ginamit ang influence at pera ng parents ko just to win. Of course, they can’t help it na mag-text para sa akin. Nakikita ko ang tatay ko na nagti-text para sa akin at sumasakit na ‘yung kamay! Pero hindi siya nagbibigay ng load sa iba para mag-text para sa akin. Sariling sikap ko ang panalo ko!” paliwanag lang ni Enzo.
CREDITS TO: http://abante.com.ph/issue/feb2310/ent_jn.htm
No comments:
Post a Comment